NAURONG na pala sa Setyembre 11-17 ang ikatlong taon ng Pista ng Pelikulang Pilipino na rati’y isineselebra ng Agosto 15-21.
Nagpadala kami ng mensahe sa FB account ni FDCP Chairperson Liza Dino pero hindi kami sinagot hanggang matapos naming sulatin ang kolum na ito.
Anyway, base sa ipinadalang press release ng FDCP, “It’s official! Ang ikatlong taon ng Pista ng Pelikulang Pilipino ngayong 2019 ay gaganapin simula Setyembre 11 hanggang 17 na siyang magiging opisyal na selebrasyon ng Sandaang Taon ng pelikulang Filipino.”
Bilang flagship program ng Film Development Council of the Philippines (FDCP), ang PPP ay isang linggong selebrasyon na eksklusibong magpapalabas ng mga dekalidad na pelikulang Filipino sa iba’t ibang genre sa lahat ng sinehan sa buong bansa. Ito ang mga pelikulang may compelling narratives at elevated storytelling na appealing at makaeengganyo sa maraming iba’t ibang klaseng manonood.
Base sa pahayag ni Ms. Dino, “We are excited to involve the entire nation in the celebration of our 100 years of PH Cinema and what better way to do it than to engage our audience to support our quality genre films especially made for them. What we are looking for are films which have original narrative and unique storytelling but accessible to a wide audience and we cannot wait to showcase another amazing lineup this September.”
Ang Sandaang Taon ng Pelikulang Filipino ay kinilala sa pamamagitan ng Presidential Proclamation 622 Series na nilagdaan noong Nobyembre na nagtatalaga sa FDCP bilang lead agency para sa selebrasyong ito.
Ang historic milestone na ito ay ipinahayag sa karangalan ng Dalagang Bukid ni Jose Nepomuceno na ipinalabas noong Setyembre 12, 1919, at itinuring na pinakaunang pelikulang gawa ng Filipino.
Ang buong detalye sa mechanics at iba pang impormasyon sa call for entries ay ipahahayag sa lalong madaling panahon.
FACT SHEET
ni Reggee Bonoan