Wednesday , December 25 2024

Gilas, sasandal sa 15-man pool

BILANG sagot sa mungkahi ni head coach Yeng Guiao noong nakaraang window, 15-man pool na lamang ang ipaparada ng Gilas Pilipinas simula ngayon para sa papalapit na ikaanim at huling window ng 2019 FIBA World Cup Asian Qualifiers sa susunod na buwan.

Ito ang inianunsiyo ni Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) President Al Panlilio at mismo ni Gilas mentor Guiao, isang buwan bago ang krusyal na sagupaan ng pambansang koponan kontra sa Qatar at Kazakhstan sa 21 at 24 Pebrero.

“‘Yung pool natin maliit na lang, 15-man pool na lang,” ani Guiao. “Para mas madali nilang makuha ‘yung sistema at mas mahaba ‘yung pagsasanay natin.”

Sa fifth window noong nakarang Disyembre, malaking 20-man pool ang inilaban ng Gilas Pilipinas at naging problema ang chemistry at kakulangan sa pagsasanay bunsod sa dami ng manlalaro nang kapusin ang Nationals sa mga dayong Kazakhstan, 88-92, at Iran, 70-78.

Dahil doon, iminungkahi ni Guiao na paliitin sa 15-man pool para magkaroon nang mas malaking pag-asa ang Gilas na makapasok pa rin sa FIBA World Cup na gaganapin sa China ngayong Agosto.

Sa ngayon kasi ay nagku­kumahog sa ikaapat na puwes­to ng Group F ang Gilas hawak ang 5-5- kartada at kinailangan maipanalo ang huling dala­wang laban upang makapasok pa rin sa World Cup.

Inaasahang tutulong sa tangkain na iyon ng Gilas ang nagbabalik na naturalized player na si Andray Blatche na sigurado nang kasama sa naturang 15-man pool ng pambansang koponan.

Ngunit sa kanyang pag­pasok, ibig sabihin din ng pagkakatanggal sa pool nina Christian Standhardinger at Stanley Pringle na sumalo sa naturalized player spot ni Blatche sa nakaraang dalawang windows.

“Kasama na si Blatche doon ngayon. Ibig sabihin, mawa­walan ng slots sina Christian at Stanley. That’s the harsh reality we have to face. All I can do is manghinayang ako.”

Magsisimula ang twice-a-week training ng Gilas sa 21 Enero kung kailan din inaa­sahang darating si Blatche.

Nakatakdang tumigil ang PBA na kasalukuyang idina­raos ang 2019 Philippine Cup simula 14 Pebrero upang magbigay-daan sa puspusang pagsasanay ng Gilas.

Inaasahang iaanunsiyo ng SBP ang kompletong 15-man pool nito ngayong linggo.

ni John Bryan Ulanday

About John Bryan Ulanday

Check Also

Bambol Tolentino

Magsisimula na ang trabaho sa POC sa 2025 – Tolentino

Ang bagong re-elected na presidente na si Abraham “Bambol” Tolentino ay magtatawag ng pagpupulong ng …

Ajido, nagtala ng bagong record sa SEA Age swimming tilt

Ajido, nagtala ng bagong record sa SEA Age swimming tilt

MULING isinalba ni Jamesray Mishael Ajido ang kampanya ng Team Philippines sa nasukbit na gintong …

Philippines A nangibabaw sa pagbabalik ng BIMP-EAGA Games

Philippines A nangibabaw sa pagbabalik ng BIMP-EAGA Games

FINAL Standing             Gold             Silver         Bronze      Total Philippines-A                   30                   37            32              99 Malaysia –  B                   17                   …

Manny Pacquiao Dubai Sports Council

Sa kolaborasyon ng PH at UAE
Pambansang Kamao Manny Pacquiao, Dubai Sports Council nagpulong para sa oportunidad ng sports development 

NAKIPAGPULONG si Pambansang Kamao at dating Senador Manny Pacquiao sa mga opisyal ng Dubai Sports …

Delegasyon ng PAI kakampay sa 46th Southeast Asian Age Group Championship

Delegasyon ng PAI kakampay sa 46th Southeast Asian Age Group Championship

TUMULAK patungong Thaiand ang binuong delegasyon ng Philippine Aquatics, Inc. (PAI) na sasabak sa apat …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *