Saturday , November 16 2024
Oscar Garin Federico Macaya Jr Richard Garin
Oscar Garin Federico Macaya Jr Richard Garin

Mag-amang Garin inasunto nang patong-patong na kaso

NAHAHARAP si Guim­bal Mayor Oscar Garin at kanyang anak na si Rep. Richard Garin sa pitong kasong kriminal na inihain ng pulis na kanilang binug­bog sa Iloilo, at apat kasong administratibo na isinampa ng Philippine National Police (PNP).

Sinabi ni PNP Region 6 director, Chief Supt. John Bulalacao na ang mga kaso ay inihain nitong Huwebes.

Ang dalawang politi­ko ay inakusahan ng pambubugbog kay PO3 Federico Macaya Jr. Sinabi ng pulis na siya dinisar­mahan, kinapka­pan at ipinosas ng mga suspek.

Si Macaya ay sinam­pal, dinuraan at pinag­ban­taan habang tinutu­tukan ng baril. Kinuha rin umano ng mag-ama ang mga gamit ng biktima, ayon sa pulisya.

Sinabi ni S/Supt. Marlon Tayaba, Iloilo police director, ang apat kasong administratibo na inihain sa mag-ama ay kinabibilangan ng grave misconduct, conduct unbecoming, oppression, abuse of authority at conduct prejudicial to the best interest of the public.

Ang mga suspek na mayor at kongresista ay sinampahan din ng pitong kasong kriminal para sa direct assault, grave coercion, grave threats, physical injuries, slander by deeds, serious illegal detention at alarm and scandal.

Ayon kay Tayaba, ang pambubugbog ay lumalabas na planado, dahil ayon kay Macaya, iniutos ni Rep. Garin sa kanyang mga bodyguard na patayin ang security camera sa lugar ng pinang­yarihan ng insi­dente noong Miyerkoles ng umaga malapit sa Guimbal town plaza sa Iloilo.

Nitong Miyerkoles, nagpalabas ng public apology si Garin, sinabing nagalit siya nang mabigo ang pulis (si Macaya) na maghain ng kaso laban sa isang residente na umano’y nambugbog ng kapitbahay noong 22 Disyembre.

 

PAMBUBUGBOG IPINABUBUSISI NI DIGONG

PINAIIMBESTIGAHAN ni Pangulong Rodrigo Duterte kay Interior Secretary Eduardo Año ang insidente ng pambu­bugbog ng mag- amang Garin sa isang pulis.

Gusto ng Pangulo na matukoy ang ugat ng insidente at mapanagot ang mga nasa likod nito.

Ayon sa Pangulo, dapat tuluyang kasuhan ng “direct assault in person of authority” ang mag-amang Garin sa ginawang pag-atake sa imbestigador na pulis.

Kung may pagkuku­lang man aniya ang pulis, hindi ito sapat na dahilan para siya bugbugin.

Batay sa inisyal na imbestigasyon ng puli­s-ya, sinugod ng mag-amang sina Iloilo Rep. Richard Garin at Guimbal Mayor Oscar Garin si PO3 Federico Macaya Jr., nitong Miyerkoles ng madaling araw sa Guim­bal plaza.

Ito ay makaraang hindi ituloy na kasuhan ni Macaya ang isang menor de edad na sangkot sa away, na napag-alamang anak ng isang konsehal doon, dahil tumangging magsampa ng kaso ang batang nakaaway niya.

(ROSE NOVENARIO)

 

GARINS LAGOT KAY AÑO

HINDI palalampasin ni Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduar­do Año ang mag-amang sina Iloilo Repre­senta­tive Richard  Garin, Jr., at Guimbal Mayor  Oscar Garin sa pagiging arogan­te at abusado sa kanilang kapangyarihan sa pam­bubugbog sa isang pulis.

Kaugnay nito, inata­san ni Año ang pamu­nuan ng Philippine Natio­nal Police (PNP) na isu­mite sa kanyang tangga­pan ang mga ebidensiya at inihaing reklamo ni  PO3 Federico Macaya Jr., laban sa mag-amang Garin.

“I will not tolerate this kind of behavior and will order the removal of Mayor Garin’s authority over the Guimbal police once the investigation results are out.  The President himself was so disappointed and I will ensure that his order to file cases against the Garins will be complied with immediately,” giit ng DILG chief.

Ang aksiyon ng kali­him ay makaraang ata­san siya ni Pangulong Rodrigo Duterte na pa­nga­siwaan  ang pag-iimbestiga at kasuhan ng ‘direct assault in person of authority’ ang mag-amang Garin.

Aniya, sakaling may pagkukulang ang natu­rang pulis ay hindi iyon sapat na dahilan para bugbugin.

“Mayor Garin and the congressman did was a clear abuse of authority and display of arrogance and a conduct unbe­co­ming of men in authority that deserve a punish­ment.  This will also apart from the appropriate criminal and admi­nistrative cases which will be filed against the Garins in the Office of the Om­buds­man or the courts as soon as the investigations are concluded,” pahayag ni Año.

Sinabi ni Año, ang nangyaring insidente ay malinaw na pambabastos at kawalan ng respeto at tungkulin sa hanay ng pulisya at maaaring maging ‘ground’ upang patawan ang mag-ama ng ‘disciplinary action.’

Ayon sa kalihim, irerekomenda rin niya sa Mababang Kapulungan ng Kongreso na patawan ng ‘sanction’ ang mam­babatas na Garin.

“We will make sure that justice will be served and will run after local chief executives who abuse their authority,” dagdag ng DILG chief.

Magugunitang napaulat na sumugod sa Guimbal Plaza ang mag-amang  Garin at binugbog si Macaya noong mada­ling araw ng Miyerkoles, 26 Disyembre 2018. (ALMAR DA­NGUI­LAN)

 

28 PULIS NG GUIMBAL NAGPAPALIPAT

HINILING ng 28 pulis sa Guimbal, Iloilo na sila ay ilipat sa ibang lugar kasu­nod ng pambu­bugbog ng mag-amang alkalde ng bayan at kongresista sa isa nilang kasamahan.

Sinabi ni SPO4 Ro­berto Ellorquez, hiniling niya at ng iba pang pulis-Guimbal na maitalaga sa ibang lugar.

“‘Yong nararam­daman namin bilang pulis nandiyan pa. Kung maaa­lala namin ‘yong nangyari, bumabalik ito. So better na ma-relieve kami rito at ma-assign sa ibang lugar kung saan namin gusto,” pahayag ni Ellorquez sa lokal na diyalekto.

Inireklamo ng pambu­­bugbog noong Miyerkoles ng pulis-Guimbal na si PO3 Federico Macaya Jr., sina Guimbal Mayor Oscar Garin at ang anak niyang si Iloilo 1st Dis­trict Rep. Richard Garin.

Pinagsasampal, pinagsisipa, at dinuraan umano ng anak na Garin si Macaya habang naka­posas, at tinututukan ng baril ng amang Garin.

Nagalit umano ang kongresista kay Macaya dahil hindi sinunod ang pagsasampa ng reklamo laban sa isang lalaki na nampukpok ng bote ng beer sa isang biktima noong 22 Disyembre.

Ngunit iyong mis­mong biktima raw sa naunang insidente ang tumangging magsampa ng kaso.

Sa isang pahayag, humingi ng paumanhin ang kongresistang Garin, na asawa ni dating Health secretary Janette Garin.

About hataw tabloid

Check Also

Bamboo Kawayan

Pamangkin hinamon ng duwelo , Tiyuhin patay sa palo ng kawayan

BINAWIAN ng buhay ang isang 55-anyos na lalaki matapos ilang ulit paluin sa ulo ng …

DOST Teams Up with Wadhwani Foundation to Accelerate Filipino Innovation

DOST Teams Up with Wadhwani Foundation to Accelerate Filipino Innovation

THE Department of Science and Technology (DOST) and the Wadhwani Operating Foundation have signed a …

Artist Lounge Talents MultiMedia Inc

Artist Lounge Talents MultiMedia Inc. inilunsad

MATAGUMPAY ang grand launching ng Artist Lounge Talents MultiMedia Inc., na ginanap last November 10 sa Activity …

Robin Padilla West Philippine Sea WPS

Para sa impormasyon tungkol sa West Philippine Sea
SEN. ROBIN, PCG GAGAWA NG PELIKULANG ANTI-FAKE NEWS

MAY pinaplanong sine si Sen. Robinhood “Robin” C. Padilla para maghatid ng tamang impormasyon sa …

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *