Saturday , November 16 2024
gun shot

2 Subic councilors sugatan sa ambush

SUGATAN ang dala­wang konsehal ng Subic, Zambales makaraan pagbabarilin ng hindi kilalang mga suspek sa highway nitong Lunes ng gabi, ayon sa ulat ng pulisya kahapon.

Ang mga biktimang sina Sangguniang Bayan members Roberto Del­gado at Elizaldy Garcia, ay lulan ng Toyota For­tuner nang pagbabarilin ng mga suspek na sakay ng pulang sasakyan sa national highway ng kalapit na bayan ng San Narciso, ayon sa mga imbestigador.

Mabilis na tumakas ang mga suspek patungo sa hilaga makaraan ang pamamaril sa Brgy. Siminublan, dagdag ng pulisya, binigyang-diin ang impormasyon mula sa isang testigo.

Si Delgado na sugatan sa pag-atake, ay patuloy na inoobserbahan ang kalagayan, habang si Garcia ay stable na ang kondisyon.

Kaugnay nito, nag-alok si Subic Mayor Jay Khonghun ng P300,000 para sa impormasyon na makatutulong sa pag­dakip sa mga sus­pek.

Hindi pa nababatid ng mga imbestigador ang posibleng motibo sa pag-atake.

About hataw tabloid

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *