Saturday , November 16 2024

Pet bill ni Grace Poe adbokasiya rin ni FPJ

NAGPASALAMAT si Senador Grace Poe sa kanyang yumaong ama na si Fernando Poe, Jr., (FPJ) na naging adbokasiya rin noong nabubuhay pa ang iniakda niyang First 1000 Days na magpapalakas sa nutrisyon ng lahat ng bata sa unang 1,000 araw ng kanilang buhay.

“Maraming salamat po sa inyong pakikiisa sa pag-alaala ng pagpanaw ni FPJ. Parangalan natin ang kanyang naging buhay sa pagpapatuloy ng pagtulong sa kapwa, lalong-lalo na sa nangangailangan nang walang hinihintay na kapalit,” ani Poe sa harap ng puntod ng kanyang ama.

“Ipanalangin po natin si Da King sa araw na ito.”

Tinawag din Kalusugan at Nutrisyon ng Mag-Nanay Act, ang Republic Act 11148 ay nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte noong nakaraang 29 Nobyembre.

Idiniin ni Poe, sa RA 11148 ay mapagka­ka­looban ng wastong pag-aaruga ng mga ina ang kanilang mga sanggol sa ating bansa sa ilalim ng child health care program upang mahadlangan ang pagkabansot at malnutrisyon ng mga bata.

“Sa wakas, batas na ang ating pet legislation, ang First 1000 Days! Para ito sa lahat ng ina at bata, ngayon at sa mga susunod na henerasyon. Thank you, Lord, at sa lahat ng nakipagtulungan para matupad ang pangarap nating ito para sa ating mga kababaihan at kabataan,” ani Poe sa kanyang Facebook page.

“Iniaalay ko sa alaala ng aking amang si FPJ ang pet bill kong ito na inaatasan ang pamahalaan na gawing prayoridad ang nutrisyon ng mga buntis at nagpapasusong mga ina, lahat ng sanggol at mga bata,” ani Poe.

“Alam kong masaya ang aking ama sa kabilang buhay dahil ito ang ipinangako niya nang tumakbong Presidente noong 2004.”

Buong pagkakaisang inaprobahan ng Senado ang Senate Bill 1537 na kilalang “Healthy Nanay and Bulilit Act” noong nakaraang Marso samantala ipinasa ito ng Kamara ng mga Representante noong Setyembre 2017.

Kinakailangan ng gobyerno ang P17 bilyon upang maipatupad ang 1,000 Days Program na magliligtas sa tinatayang 2.7 milyong buntis upang mabakunahan laban sa mga sakit na tetanus at diphtheria.

Pinalakas ng bagong batas ang pagpa­patupad sa Executive Order 51 o ang “Milk Code” at ang Republic Act 10028 o ang “Expanded Breastfeeding Promotion Act of 2009” na nagtataguyod sa optimal infant and young child feeding and maternity protection.

About hataw tabloid

Check Also

Robin Padilla West Philippine Sea WPS

Para sa impormasyon tungkol sa West Philippine Sea
SEN. ROBIN, PCG GAGAWA NG PELIKULANG ANTI-FAKE NEWS

MAY pinaplanong sine si Sen. Robinhood “Robin” C. Padilla para maghatid ng tamang impormasyon sa …

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *