Sunday , January 4 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Jessy Mendiola The Girl In The Orange Dress

Jessy, excited sa pagsabak sa MMFF

UNANG Metro Manila Film Festival entry na siya ang bida pala ni Jessy Mendiola ang The Girl In The Orange Dress na handog ng Quantum Films, Star Cinema, at MJM Productions kaya naman ganoon na lamang ang kanyang excitement.

Huling napanood si Jessy sa big screen sa pelikulang Chinoy: Mano Po 7. Kaya naman ganoon na lamang ang kanyang kaba at excitement sa challenge ng character na ginampanan niya lalo na’t first time nilang magkapareha ni Jericho Rosales.

Pero kahit ito ang unang team-up nina Jessy at Jericho, patok na patok naman sa netizens ang ilang eksenang ipinasilip sa trailer dahil nang unang inilabas ito ay humamig kaagad ng 3M combined views at 61k total shares ito.

Komento pa ng ilang netizens, ”Cute ang team up nila!” “Fresh” “Nakakaaliw at swak na swak sila sa role nila” “Perfect pair!”

Bale bagong kulay ng pag-ibig ang ipakikita nina Jessy at Echo. Si Jessy ang misteryosang babae ni Jericho na ginagampanan ang papel ni Rye, isang superstar at pantasya ng maraming kababaihan pati na ang kabarkada ni Jessy. Si Jessy naman si Anna na misteryosa, gimikera, at walang pakialam sa mundo.

Magkukrus ang kanilang landas, mawawala sa katinuan, magsisiping, at magugulo. Nabago ang kanilang buhay nang mag-viral ang pictures nila na lumabas sa isang hotel. Pinagpistahan iyon sa telebisyon pero clueless ang publiko sa pagkatao ni Anna. Ang tanging lead ng lahat ay siya ang The Girl in the Orange Dress!

Kakaibang Echo ang mapapanood dito sa The Girls In The Orange Dress. Kakaiba sa napanood ninyong MMFF entry dingWalang Forever na nagpaiyak siya ng moviegoers at sa Halik ng ABS-CBN na natural na natural na pag-arteng ipinakita.

Mapapanood na ang The Girl In The Orange Dress sa December 25 na idinirehe at isinulat ni Jay Abello.

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Ronnie Liang surgery

Ronnie Liang may palibreng cataract surgery 

RATED Rni Rommel Gonzales ARTIST ng Sparkle GMA Artist Center si Ronnie Liang at kaka-renew lamang niya …

Vilma Santos

Vilma hinusgahan, may nilinaw sa publiko

PUSH NA’YANni Ambet Nabus LITERAL na ginamit ng ilang mga socmed peeps ang ipinahayag ni Gov. …

Carla Abellana Dr Reginald Santos Tom Rodriguez

Tom at Carla unforgettable ang December 27 

I-FLEXni Jun Nardo KAPWA unforgettable ang date na December 27, 2025 sa ex-couple na sina Carla …

Purple Hearts Foundation Love Kryzl

Purple Hearts Foundation naghatid- saya sa Year-End Gift-Giving Outreach sa mga karatig-barangay

MATAGUMPAY na naisagawa ng Purple Hearts Foundation sa Kryzl Farmland ang Purple Hearts Foundation Gives Back, year-end outreach …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald pamparelaks ang pag-akyat sa bundok

RATED Rni Rommel Gonzales MALAKING pribilehiyo kay Gerald Anderson na mapasama ang pelikulang Rekonek sa 51st Metro Manila Film Festival …