Sunday , December 22 2024
DBM budget money

Sa P75-billion ‘insertion’… It’s a joke no more DBM Secretary Benjamin Diokno

MAY kasabihan, ‘hindi ligtas ang kriminal’ kung nagbababad sa pinaglulunggaan.

Hindi naman natin sinasabing ‘kriminal’ agad si Department of Budget and Management (DBM) Secretary Benjamin Diokno — kasi nga pabalik-balik na lang siya diyan sa budget department.

Pero kung nasasangkot siya ngayon sa matin­ding isyu sa budget at kuwestiyonableng alokasyon na umaabot sa P75-bilyong pabor sa kanyang mga balae, e masasabi nating it’s a joke no more, Mr. Diokno.

Tsk tsk tsk…

Ilang panahon na naging Budget Secretary si Mr. ‘joke-no’ ‘este Diokno, ibig bang sabihin noon pa man ay may ganyan na siyang padron sa pagtupad ng tungkulin?!

Mantakin ninyo, ilang panahon na maraming naniwala na matinong opisyal ng gobyerno at tunay na technorat si Diokno ‘yun pala matagal nang nagmimilagro?!

Sonabagan!

Isiniwalat mismo ni Camarines Sur Rep. Rolando Andaya na si Diokno ang nasa likod ng P75-billion insertion sa 2019 national budget para paboran ang mga proyektong nakorner ng C.T. Leoncio Construction dahil sa relasyon ng may-ari nito sa in-laws ng kanyang anak.

Napakagalante naman pala nitong si Secretary joke-no ‘este Diokno. Ipinangga­galan­te ang pondo ng sambayanan para sa kanyang mga balae.

Pero sa benepisyo ng mga empleyado ng gobyerno napakaganit magdesisyon nitong si Diokno. Ultimo overtime pay ng government employees na pinaghirapan na nila ayaw pang ipagkaloob.

Nakapagtataka naman talaga kung bakit sa Sorsogon niya inilagay ang malaking budget gayong ang Marawi ang nangangailangan para sa mabilis na recovery.

E bakit nga ba?! Dahil nga ba sa kanyang mga balae?

At ang matindi rito, buking na buking na, lu­mulusot pa. Wala raw siyang alam sa mga plano ng kanyang balae dahil hindi nila ito pinag-uusapan ng kanyang anak.

Tell it to the marines, Mr. Secretary!

Sa kaso nitong si Diokno, gusto na tuloy nating maniwala na basta ‘panot’ masalimuot at mahilig magpalusot.

Anyway, umaasa tayo na hindi tatantanan ng Kamara ang mga palusot ni panot ‘este Diokno pala sa gagawin nilang imbestigasyon sa Enero 2019.

Wish lang natin na hindi sila mapalusutan ni panot ay mali na naman, Diokno pala.

Kay Secretary Diokno, isa lang ang masasabi natin, it’s a joke no more.

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *