Tuesday , December 24 2024

RJ inireklamo sa ‘ads jingle’ (Inihain ng advocacy group sa Palasyo)

PUMALAG ang isang advocacy group sa pamamagitan ng pagrerek­lamo sa Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) laban kay Presidential Adviser for Economic Affairs and Information Technology Communications Ramon ‘RJ’ Jacinto dahil sa isang ‘ads jingle’ na isina­himpapawid at kasalukuyang kuma­kalat sa social media.

Ayon kay Ed Cor­devilla, multi-awarded writer-colum­nist at founding leader ng Fili­pino League of Advo­cates for Good Gover­nance (FLAGG), maaa­ring nakalimutan ni Jacinto na isa siyang public official na dapat nagsisilbi para sa kapa­kanan ng publiko, at ang pagsusulong ng business monopoly ay taliwas sa tungkuling ito.

Tinukoy ni Cordevilla ang isang video jingle na may logo ng RJ radio media na nagkakam­pan­ya para sa Smart Tele­com­­munications. Si Ja­cinto ang founding chair­man ng RJ radio stations DZRJ 810AM, RJ 100.3FM at  Rajah Broad­casting Network.

Nakasaad, aniya, sa campaign ad na: “Switch to Smart, for a Brand New Start.”

“It should look like a regular advertising material except that the campaign material was not only promoting the said telecom company but also at the same time lambasting the other telco player,” ani Cordevilla.

“It is enshrined in the Philippine Competition Act, otherwise known as Republic Act 10667, that an encumbered market competition ‘also serves the interest of consumers by allowing them to exer­cise their right of choice over goods and services offered in the market’,” nakasaad sa reklamo ng grupo.

Si Jacinto, ayon sa FLAGG leader, ay dapat imbestigahan at paru­sahan, hindi lamang dahil sa conflict of interest, kundi maging sa pagla­bag sa esensiya at diwa ng Philippine Competi­tion Act na tumitiyak sa ‘encumbered market competition.’

“Undersecretary Jacin­to, whose interest in the telecom industry is public knowledge (especial­ly for his relentless campaign for a duopoly in the tower con­struction of an estimated additional 50,000 cell towers to serve around 113 million telco sub­scribers in the country), through his radio outfit, is in effect campaigning for the elimination of fair competition,” paliwanag ni Cordevilla.

Ang video ay maa­aring mapanood sa Youtube sa  link na:https://youtu.be/UF8gOHBAnY4. Na-upload ito sa Youtube noong 6 Disyembre  2018.

“The Undersecretary, as the founding chairman of RJ radio stations (which also enjoy both television and online presence), possesses the power to prevent the creation of such a jingle, prevent its airing and put a stop to the material’s continuous public exposure,” ani Cordevilla sa kanyang reklamo.

”With Usec. Jacinto’s assertive presence in the telco industry, to presume that he has no knowledge of the presence of the said campaign video that is currently available for the consumption of the whole world, and furthermore, as it is allowed to con­tinuously perpetuate its message – is hard to believe, especially as the video bears the logo of his own station,” dagdag niya.

Si Jacinto ay nauna nang ipinagharap ng reklamo ng FLAGG sa PACC dahil sa pagsusu­long ng duopoly sa tower construction industry na may bakas ng conflict of interest.

HATAW News Team

About hataw tabloid

Check Also

Zamboanga del Norte

Supplemental budget nakabinbin
OPS NG PROV’L AT DISTRICT HOSPITALS, IBANG PAGAWAING BAYAN SA ZAMBO DEL NORTE POSIBLENG MATIGIL — GOV. NENE

ITO ang malalim na laman ng pahayag ni Governor Jalosjos sa media makaraang sumulat sa …

SMC Toll Fee

Bilang pasasalamat sa mga motorista
BAYARIN SA EXPRESSWAY KAKANSELAHIN NG SMC SA BISPERAS NG PASKO AT BAGONG TAON

NAKATAKDANG kanselahin ng Conglomerate San Miguel Corporation (SMC) ang mga bayarin para sa expressway network …

SM Krus na Ligas 1

Promoting wellness and enhancing healthcare delivery
SM Foundation upgrades vital Quezon City community health center

Refurbished by SM Foundation, Krus Na Ligas Health Center caters to over 73,000 residents of …

Manila Honey Lacuna Yul Servo Nieto

Mayor Honey, VM Yul, Asenso Manileño Team namahagi ng Christmas gift boxes para sa Senior Citizens ng Maynila

NAMAHAGI ng Christmas gift boxes sina Mayor Honey Lacuna – Pangan, Vice Mayor Yul Servo …

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *