Wednesday , May 14 2025
pnp police

Rizal provincial director, Cainta COP, 14 pulis sibak

SINIBAK sa puwesto sina Rizal Provincial Director S/Supt. Lou Evangelista, at ang chief of police ng Cainta Muni­cipal Police Station na si Supt. Pablito Naganag, gayondin ang 14 pulis na sangkot sa pagkamatay ng mga security detail ni dating Biliran repre­sentative at election re­form lawyer Glenn Chong.

Bukod kina Eva­ngelista at Naganag, iniutos din na sibakin sa puwesto ni Police Regional Director (PRO) IV-A Chief Supt. Edward Car­ranza ang 10 miyembro ng Regional Intelligence Division ng Rizal Pro­vincial Police Office (PPO) at apat na miyem­bro ng Cainta MPS.

Ayon kay Carranza, ang pagkakasibak sa dalawang opisyal at mga pulis ay para maging patas ang imbestigasyon sa pagkamatay ng securi­ty aide ni Chong na si Richard Santillan at isa pang kasama sa umano’y naganap na shootout dakong 1:00 am noong Lunes sa Brgy. San Andres, Cainta, Rizal.

Base sa inisyal na impormasyon mula sa Cainta MPS, nagsasaga­wa umano ng spot ope­ration ang Highway Patrol Group-Rizal sa Brgy. San Andres dakong 1:00 am noong Lunes ng mati­yempohan ang isang Toyota Fortuner (NOF-845) at nang kanilang beripikahin ay hindi umano ito nakarehistro noon pang 2015.

Sinubukan umanong parahin ng mga awtori­dad ang nasabing sasak­yan pagsapit sa check­point ngunit imbes hu­minto ay pinaharurot umano ng driver sa West­bank Floodway patu­ngong Taytay, Rizal dahilan upang magka­roon ng maikling habolan at palitan ng putok na ikinamatay ng dalawang sakay ng Fortuner.

Base sa inilabas na ulat ng Cainta MPS at Rizal PPO, ang mga napatay umanong mga suspek ay mga miyembro ng “Highway Boys” isang robbery holdup group na nag-o-operate sa lala­wigan ng Rizal.

Pinasinungalingan ni Chong ang mga ulat ng pulisya at sinabing gina­gamit ni Santillan ang nasabing sasakyan na nakarehistro sa kanyang pangalan, at kasama niya ang biktima sa Naga City sa Camarines Sur para sa isang political event at bumalik agad ng Cainta para sa gift giving sa mahihirap na bata roon.

“I appeal to the police to give us the full report about the ambush/assas­sination of the cops on my aide Richard Santillan so that we can start studying the filing of appropriate charges against the paid assassins,” pahayag ni Chong sa kanyang social media account.

“Ang partner niya sa gift-giving ay mga sun­dalo, [ka]pulis[an], bom­bero, jail officers. Pero noong gabing iyon, mata­pos ang gift-giving, wa­lang-awang pinagbabaril siya at ang kanyang kasama ng mga [ka]pulis[an],”dagdag ng abogado. (ED MORENO)

About Ed Moreno

Check Also

Alan Peter Cayetano

Oras ng pagboto, trabaho ng mga guro, kailangan ng agarang reporma — Cayetano

HINIKAYAT ni Senador Alan Peter Cayetano ang gobyerno nitong Lunes na magsagawa ng mga reporma …

Marikina Comelec

Kahit nanguna sa bilangan
MARCY TABLADO SA COMELEC
May DQ ka pa – en banc

TINABLA ng Commission on Elections (Comelec) en Banc ang proklamasyon ni Marcelino “Marcy” Teodoro bilang …

Comelec Pasig

Kasama ang 92-anyos kapatid at tumangging dumaan sa priority lane
101-ANYOS BOTANTE SA PASIG UMAKYAT SA 3/F PARA IBOTO MGA KANDIDATONG SINUSUPORTAHAN

KABILANG ang isang 101-anyos senior citizen sa mga pinakamaagang nagtungo sa San Miguel Elementary School, …

Comelec QC Quezon City

3 botante sa QC hinimatay sa matinding init

INIULAT ng Quezon City Disaster Risk Reduction Management Office (QCDRRMO) na tatlong babaeng botante ang …

Comelec Vote Election Hot Heat

Sa Pangasinan
Buntis na nagle-labor bumoto, senior citizen dedbol sa init

SA KABILA ng mga hudyat ng pagle-labor, nagawang bumoto muna ng isang buntis sa lalawigan …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *