BINAWIAN ng buhay ang Sangguniang Kabataan Federation president sa Malolos, Bulacan makaraan sumalpok ang kanyang sports car sa tatlong bahay at isang nakaparadang jeepney sa Plaridel Bulacan, nitong Lunes ng madaling-araw.
Kinilala ang biktimang si Marc Paulo San Diego Manaysay, 24, isa ring konsehal sa Malolos.
Ang grey sports car ng biktima ay wasak na wasak makaraan sumapok sa tatlong bahay at isang jeepney.
Bunsod nang matinding impact, ang ilang bahagi ng sasakyan ay tumalsik.
Gumamit ang rescue team ng cutter upang mailabas ng sasakyan ang biktima.
Dumating sa pinangyarihan ng insidente ang mga kaanak ng biktima ngunit tumanggi silang magbigay ng pahayag.
Kasalukuyang iniimbestigahan ng mga awtoridad ang insidente.