MUKHANG marami pa talagang dapat trabahuin si Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) Commissioner Greco Belgica.
Isa tayo sa mga nalulungkot kapag nakaririnig ng ganitong mga balita.
Dalawang empleyado ng Bureau of Internal Revenue (BIR) na nangotong ng P2 milyones?!
Mantakin ninyo, sa P2 milyones na ‘yan, P500,000 lang ang papasok sa gobyerno at ang P1.5 mily0nes ang pagh
ahatian ng dalawang empleyado?
Silang dalawang lang nga kaya ang maghahati?!
Sa totoo lang, marami na tayong naririnig na ganitong pangyayari sa hanay ng maliliit na negosyante.
Maraming negosyante ang walang magawa kasi nga, kapag hindi pumasok sa gustong mangyari ng mga mangongotong, sasampahan ng kaso.
Marami nga raw ang natuwa nang mabalitaan na nahuli ‘yang dalawang ‘yan. Ilan din ang nagsasabi na kasama sila sa mga notoryus na nambibiktima ng mga negosyante.
Sana’y maisalang agad sa lifestyle check ang mga ‘yan at maugat pa kung sino ang mga kasabwat nilang nakikinabang.
Kudos Commissioner Greco!
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com
BULABUGIN
ni Jerry Yap