Saturday , December 27 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Kim Chiu JC De Vera bathtub scene
Kim Chiu JC De Vera bathtub scene

Kim chiu, tumodo sa bathtub scene

GUGULATIN ni Kim Chiu ang followers niya sa pelikulang One Great Love dahil ibang imahe niya ang masisilayan ng lahat, since nasa tamang edad na ang aktres kaya tumodo na siya sa kissing scenes plus may bathtub scenes pa kasama ang leading men niyang sina JC de Vera at Dennis Trillo.

Inamin ni Kim na hindi kasama sa script ang bathtub scene kaya nagulat siya nang sabihin ni Direk Erik Quizon na lulublob sila sa bathtub.

Actually, wala naman talaga sa script ‘yung bathtub scene, ang ganda lang ng bathtub doon sa yate. So sabi ni direk, ‘Go, gawin na natin diyan bago dumilim!’ Maganda naman ‘yung kinalabasan and then excited+-/* na kaming lahat.

“Marami pa! Kaya umihi na sila, kumain na sila, gawin na nila lahat dahil sunod-sunod ang mga pasabog namin,” tumatawang kuwento ni Kim sa grand presscon ng One Great Love na entry ng Regal Films sa 2018 Metro Manila Film Festival na idinirehe ni Eric Quizon.

Dagdag pa ni Kim, “Tumodo ako rito, kasi for how many years na gumagawa ako ng movies, ito na po ‘yung pinakamatindi, talagang lumabas ako sa comfort zone ko.

Kasi I really want something new na pwede kong i-offer sa lahat ng mga taong sumusuporta sa akin mula noon hanggang ngayon.”

Anyway, mapapanood na ang One Great Love sa Disyembre 25 at kasama rin sa pelikula sina Miles Ocampo, Marlo Mortel, Nino Dolino at marami pang iba.

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …