MAY dengue ngayon ang aktor na si Jericho Rosales at nasa bahay lang para magpahinga dahil ayaw niyang magpa-confine.
Pagkatapos pala ng grand presscon ng The Girl in the Orange Dress ay nagpahatid ang aktor sa isang hospital para magpa check-up dahil apat na araw na palang on and off ang lagnat niya.
Tsika ng aming source, ”Saturday pa siya maysakit, tiniis lang niya noong mall show at pumunta ng presscon, pero hindi na kinaya kaya nagpadala na sa hospital.”
Pinababalik si Echo ngayong araw para sa complete blood count (CBC) para malaman kung tumaas na ang platelets niya para hindi na kailangang i-confine.
Napaka-propesyonal talaga ng aktor dahil sa ginanap na grand presscon ay wala man lang nakahalatang may malala na siyang karamdaman though nabanggit naman niyang masama ang pakiramdam niya dahil halata sa boses pero hindi ganoon katindi na dengue pala.
Kasi naman nakipagkulitan pa si Echo sa co-actors niyang sina Via Antonio, Hannah Ledesma, Sheena Halili at sa leading lady niyang si Jessy Mendiola sa presscon.
Anyway, base sa takbo ng usapan sa grand presscon ay napag-usapan ang kissing scenes nina Jericho at Jessy kung may ilang factor sa parte ng una dahil nga kaibigan niya ang boyfriend ng dalaga na si Luis Manzano.
“Of course, but it all falls under respect. I think Luis would understand that hindi naman siya ‘yung parang bago na or hindi naman siya politiko na hindi niya maintindihan at normal na tao naman siya para hindi niya maintindihan. But I do respect obviously all my leading ladies, I don’t wanna feel at the end of the day na I took advantage of something or someone, huwag naman ganoon. Ang pinaka-bottom line rito is you pick the right movies for you,” katwiran ng aktor.
Naikuwento rin ni Echo na ngayong sikat siyang artista ay nagagamit niya iyon para makapag-inspire ng mga tao pero ‘pag nasa likod na siya ng kamera ay balik siya sa pagiging normal na tao.
“I do miss being normal na tao, I experienced that when I come home. Pag-uwi ko walang mga toro-torotot, confetti. I’m a normal person, I’m a husband, pet master, I clean the garage, I clean my room, I clean everything, I do enjoy those moments that’s why I really miss a lot.
“My prayer almost every day is that fame is not get to my head because when it happens, it’s also the end of everything,” magandang sabi ng aktor.
Samantala, ilang araw na lang ay MMFF na kaya panalangin namin kay Echo ang mabilis niyang paggaling para masilayan siya ng mga taong humahanga sa kanya sa promo ng The Girl in the Orange Dress na entry sa 2018 Metro Manila Film Festival ng Quantum Films, Star Cinema, at MJM Productions.
FACT SHEET
ni Reggee Bonoan