Saturday , November 2 2024
LTFRB Martin Delgra Grace Poe
LTFRB Martin Delgra Grace Poe

LTFRB bubusisiin ni Sen. Grace Poe (Sa sandamakmak na iregularidad)

HAYAN na napansin na ng senado ang hindi matapos- tapos na gulo at bangayan sa Land Transportation and Franchising Regulatory Board (LTFRB).

Kaya bago mag-Pasko, uusok ang puwet ng mga opisyal ng LTFRB dahil nagpatawag na ng inquiry ang Senate committee on public services ngayong linggo.

Ang nasabing committee, ay pinamumunuan ni Senator Grace Poe.

Isa umano sa bubusiin ang sinasabing ‘misconduct’ nina LTFRB chair­man Martin Delgra at ng tatlo pa niyang opisyal sa pag-aaproba ng fare hike sa ilang rehiyon sa bansa.

Kung hindi tayo nagkakamali mismong si dating LTFRB board member Aileen Lizada ang naghain ng administrative charges (insubordination and grave misconduct) laban sa chief of staff at dalawa pang opisyal ni LTFRB chief, Atty. Martin Delgra.

Nitong nakaraang linggo, si Lizada ay itinalaga na bilang member of the board ng Civil Service Commission (CSC).

Pero hindi papipigil si Senator Grace, tuloy ang inquiry.

Kabilang din sa bubusisiin ng committee ni Senator Grace ang “truck holiday” na ginawa ng truckers bilang protesta sa utos ng Department of Transportation (DOTr) na i-phase-out ang haulers na sira na at halos 15-anyos na.

Aabot umano sa 200,000 trucks ang posi­bleng maapektohan ng nasabing phase-out plan.

Isasalang din ang sinabing panghihimasok ng DOTr sa pagpili ng provincial bus companies na puwedeng makapasok sa Metro Manila imbes hanggang Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX) sa Coastal Road.

Mukhang maraming mabubuyangyang na Pandora’s box sa LTFRB at DOTr bago mag-Pasko…

Arayku!

By the way, Madam Senator, isama na rin ninyo sa bubusisiin ang opisyal ng LTFRB na sobrang manyakol.

Marami nang nabiktima ang opisyal na ‘yan, karamihan ay staff sa kanilang tanggapan. Walang magawa ang mga babaeng nabibik­tima.

Malinaw na sexual harassment ‘yan.

Umpisahan na po ninyo Madam Senator Grace Poe at baka lumipad na ‘yang mga ipi­natatawag ninyo at magbakasyon grande sa ibang bansa.

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *