SUPORTADO ng dalawang Pinay Beauty Queen na sina 2018 Miss Universe Philippines Catriona Gray at 2015 Miss Universe Pia Wurtzbach ang HIV Awareness campaign.
Maaalalang ang HIV/AIDS awareness campaign ang isinusulong ni Pia bago pa siya manalong Ms Universe 2015 at ngayon nga ay sinuportahan na rin ito ni Catriona para mas mapalakas pa ang proyekto ni Pia.
Ayon nga kay Catriona, ”It’s really alarming. Having high statistics can be very scary. Having a 140 percent increase here in the Philippines alone, while other South East Asian countries have a decrease with the new HIV cases.”
At kung papalarin nga si Catriona na masungkit ang korona sa Ms Universe 2018 na gaganapin sa Bangkok, Thailand sa Dec. 17, isa ito sa mas tututukang proyekto kasama si Queen Pia Wurtzbach.
ni JOHN FONTANILLA