Sunday , November 17 2024

Wilbert Tolentino ayaw nang pag-usapan si Mader Sitang, naka-focus sa UBC (Ultimate Brand Concept)

NAKAPAG-MOVE ON na si Wilbert Tolentino sa masaklap na experience niya kay Mader Sitang kahit nawalan siya ng milyones dahil sa hindi ma­gandang ugali nito.

Ayon sa dating Mr. Gay World-Philippines, tinatanggal na niya ang brand name na Simply Sitang at ido-donate na lang nila ang mga naturang produkto.

“Isang fake news si Mader Sitang,” saad niya. Pero inilinaw ni Wilbert na wala na siyang balak habulin ito dahil gusto niyang mag-move on na.

“Closed chapter na iyon, hindi magandang alaala ‘yun… ibaon na natin sa limot, mag-move on na tayo,” saad niya.

Nabanggit din ni Wilbert na hindi na niya ipadedeklara si Mader Sitang bilang persona-non-grata sa Filipinas. Idinagdag pa niyang aprobado na ng Bureau of Immigration ang pagiging blacklisted ni Mader Sitang. Ipino-process na raw ang paglabas ng papeles nito. Kaya wala na siyang balak kasuhan pa si Mader Sitang sa ating husgado dahil hindi na makapapasok sa bansa.

Sa panayam kay Wilbert ng press sa launching ng online store na UBC Shopping is Helping na ginanap sa bar niyang One 690 sa Quezon City, nabanggit niyang nalaman din niya na hindi raw pala totoong abogado si Mader Sitang at hindi rin totoong tumulong sa mga nasalanta ng Yolanda.

Idiniin ni Wilbert na hindi siya ang nagpakalat na abogado si Mader Sitang at tumulong sa mga nasalanta ng Yolanda.

“Ako kasi ang itinuturo sa social media na nagpakalat daw na lawyer siya, na tumulong sa Yolanda victims. Bago ko pa siya nahawakan, talagang kumakalat na iyon, na siya raw ay isang lawyer, which is hindi pala,” sambit ni Wilbert.

Sa ngayon, focus si Wilbert sa itinayong UBC (Ultimate Brand Concept) Shopping online store na layuning maka­tulong sa charitable institutions sa kanilang cause-oriented pro­jects. Mara­ming produkto ang puwedeng ma-shop sa UBC Shopping gaya ng beauty products, skin care, cosme­tics, fa­shion and ac­cessories, electronics at gadgets.

May ilang personalidad na magsisilbing ambassadors ng UBC gaya ni Wilbert, Sachzna Laparan (for hair care, sham­poo, etc.), Allen Cecillio (for hair styling get and pro­ducts), at iba pa.

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

About Nonie Nicasio

Check Also

Robin Padilla WPS

Robin gagawa rin ng pelikula ukol sa West Phil Sea

IKINAGALAK ni Dr Michael Raymond  Aragon, Executive Producer ng WPS (TV/ Radio series na ipinalalabas ngayon sa DZRH TV at DZRH radio) at …

Ken Chan Café Claus

Ken Chan iginiit: Hindi po ako nanloko

ni JOHN FONTANILLA BINASAG ni Ken Chan ang pananahimik matapos mabigong pagsilbihan ng mga awtoridad ng warrant …

Yasmien Kurdi Rita Daniela Archie Alemania Baron Geisler

Yasmien aminadong may trauma pa rin kay Baron, pinayuhan si Rita

MA at PAni Rommel Placente SA guesting ni Yasmien Kurdi sa radio program ni Gorgy Rula, natanong siya …

Kathryn Bernardo Alden Richards Cathy Garcia Molina Sampana

KathDen fans umalma, vloggers na nagpakalat ng HLA video clips tinalakan

MA at PAni Rommel Placente MAY ilang vloggers na nagpapakalat ng video clips na kuha …

Rhian Ramos Rita Avila

Rita Avila saludo sa kabaitan at marespeto ni Rhian Ramos

MATABILni John Fontanilla PURING-PURI ng beteranang aktres na si Rita Avila ang kabaitan at pagiging marespeto ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *