Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Kathryn, umamin — I’m the happiest when I’m with DJ

AMINADO SI Kathryn Bernardo na kakaiba ang pakiramdam na hindi niya kasama sa isang pelikula si Daniel Padilla. Anim na taon nga naman silang laging magkasama ng binata sa mga proyekto.

Kaya naman ganoon na lamang ang katuwaan niya nang kinausap ng binata ang kapareha niya saThree Words To Forever na si Tommy Esguerra para hindi sila mahirapan sa mga gagawing eksena lalo na ‘yung nangangailangan ng sweetness nila.

Ilang linggo o may isang buwang nanatili sina Kathryn, Sharon Cuneta, at iba pang bida sa Three Words To Forever sa Ormoc, kaya naman nang dumalaw doon si Daniel ganoon na lang ang kasiyahan ng dalaga. ”Ang tagal ko siyang hindi nakita, eh, so parang na-recharge ako. Parang, okay, ready na ulit!” pag-amin ng dalaga.

Aminado naman si Kathryn sa kanilang relasyon ni Daniel at sinabi nitong, ”I am happy. Alam mo, ang sarap ngayon i-share ng lahat, na ganito ka-open, since sinabi namin doon sa last presscon ‘yung totoong status namin.”

“I’m the happiest when I’m with DJ. Hindi lang siya boyfriend, eh. Kaibigan mo rin. Sasabihin mo sa lahat kung paano siya sa family ko,” sambit pa ng dalaga.

Mapapanood si Kathryn sa Three Words To Forever kasama sina Sharon at Richard Gomez na pinamahalaan ni Cathy Garcia-Molina at palabas na sa Nobyembre 28, handog ng Star Cinema.

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

Regine, binigyan ng diamond ring ni Sharon
Regine, binigyan ng diamond ring ni Sharon
PEP Profiles, sasagupa sa malalaking production agencies
PEP Profiles, sasagupa sa malalaking production agencies
Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …