NOW it can be told, hindi maididirehe si Toni Gonzaga ng kanyang asawang direktor na si Paul Soriano. Inamin ito mismo ng aktres sa Tonight With Boy Abunda na it’s not a bed of roses ang kanilang relasyon bilang mag-asawa dahil may panahong hindi sila nagkaka-sundo.
Puwede silang mag-produce ng pelikula pero never maididirehe si Toni ng asawa.
“Paano naman kasi, iniiwasan ko na baka ‘yung ‘away’ namin sa labas ay madala namin sa loob ng aming tahanan. We want to avoid that kaya hindi ako nagpapadirehe sa kanya dahil tiyak palagi kaming mag-aaway.
Tulad ngayon, may pelikula sina Toni at Alex Gonzaga na kalahok sa MMFF 2018 pero hindi si Paul ang nagdirehe, kundi sila ang producer.
Inamin ni Toni na nagsimula ang kanilang hindi pagkakaunawaan nang nakatira na sila sa iisang bubong na iniisip na nila kung saan kukunin ang kanilang panggastos.
STARNEWS UPLOAD
ni Alex Datu