Saturday , November 16 2024

GRO ‘di natikman videoke bar niratrat 4 patay (Sa Cagayan)

APAT katao ang patay makaraan pag­babarilin ng mga suspek ang isang videoke bar nang hindi pumayag na makipagtalik sa kanila ang isang GRO sa bayan ng Lal-lo sa lalawigan ng Cagayan, kamakalawa.

Sa kuha ng CCTV, kilala na ang mga suspek sa pamamaril, ayon sa ulat ng mga pulis kaha­pon.

Nakita sa CCTV, ka­ga­galing ng mga suspek sa videoke bar at may kasamang isang babaeng GRO.

Sa inisyal na imbesti­gasyon ng mga pulis, ina­ya umano ng mga lalaki ang babae na makipag­talik ngunit tinanggihan sila bagay na ikinagalit ng mga suspek.

Samantala, sa isa pang kuha ng CCTV, makikitang dumating ang may-ari ng videoke bar para sunduin ang kani­yang GRO. Ngunit naki­pagtalo sa kaniya ang isa sa mga lalaki.

Hindi na nakuhaan ng CCTV ang mga sumunod na pangyayari ngunit ayon sa mga pulis, buma­lik sa videoke bar ang mga suspek at hinanap ang nawawala nilang cellphone.

Muli silang nagkaroon ng pakikipagtalo sa may-ari ng bar hanggang mag­pa­putok ng baril ang mga suspek.

Patay ang apat na magkakamag-anak sa insidenteng iyon, kabilang ang may-ari ng bar.

Positibong kinilala ng isang saksi ang mga suspek sa tulong ng CCTV footage.

Nag-alok ng P50,000 pabuya ang lokal na pamahalaan ng Lal-lo sa sinomang makapag­bibigay ng impormasyon para sa ikadarakip ng mga suspek.

Hindi umano ito ang unang pagkakataon na may namaril sa isang videoke bar sa kanilang lugar.

“Because of this ano­ther unfortunate incident, the local government of Lal-lo decided to close all the videoke bars,” pahayag ni C/Supt. Mario Espino, director ng Police Regional Office 2.

HATAW News Team

About hataw tabloid

Check Also

Robin Padilla West Philippine Sea WPS

Para sa impormasyon tungkol sa West Philippine Sea
SEN. ROBIN, PCG GAGAWA NG PELIKULANG ANTI-FAKE NEWS

MAY pinaplanong sine si Sen. Robinhood “Robin” C. Padilla para maghatid ng tamang impormasyon sa …

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *