PATAY si Balaonan, La Union Vice Mayor Alfred Concepcion habang sugatan ang anak niyang si Mayor Aleli Concepcion makaraan pagbabarilin habang lulan ng kanilang sasakyan, nitong Miyerkoles ng umaga.
Samantala, hindi umabot nang buhay sa pagamutan ang bodyguard nilang si Mike Ulep.
Ayon sa ulat ng pulisya, papunta sa munisipyo ang alkalde at bise alkalde bandang 8:00 ng umaga nang mangyari ang insidente sa Brgy. Cabuaan ng Balaonan.
Hindi bababa sa 150 basyo ng bala ang natagpuan sa crime scene, ayon sa mga awtoridad.
Patuloy ang mga awtoridad sa paghahanap sa mga suspek at masusing iniimbestigahan ang posibleng motibo sa pamamaril.
Parehong kumakandidato bilang reelectionist ang mag-ama para sa susunod na halalan.