Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Regine at the Movies
Regine at the Movies

Regine at the Movies concert tickets, mabentang-mabenta

TIYAK na magugulo ang New Frontier Theater dahil isang malaking event ang magaganap sa Sabado, ang Regine at the Movies concert series ng Asia’s Songbird na si Regine Velasquez-Alcasid.

Naglalakihang artista ang makakasama ni Regine sa kanyang series of concerts. Una niyang makakasama si Piolo Pascual (November 17), sunod ang Megastar Sharon Cuneta (November 24), at ang huli, si Daniel Padilla (November 25).

Selling like hotcakes nga ang tickets for the three show at para huwag maubusan, mag-chek agad sa Tickenet outlets, tumawag sa 911-5555 o mag-check online tickenet.com.

Ayon kay Cacai Velasquez-Mitra, kapatid ni Regine at manager at producer ng At the Movies, “Nauna kasing lumabas ‘yung with Piolo and then ‘yung with Sharon (Cuneta on November 24). Then ‘yung idinagdag na araw kasi, ‘yung with Daniel (Padilla) na November 25. Mabili rin ‘yon.”

Nang ma-release kasi ng tickets para sa first two shows, ang bili agad, kaya idinagdag ang third night. Nang i-announce rin na si Daniel ang guest doon, lalo pang lumakas ang benta ng tickets.

At dahil pare-parehong big stars sina Piolo, Sharon, at Daniel, natanong si Cacai kung hindi ba sila nalakihan sa talent fees ng tatlo?

“Hindi pinag-usapan ang tungkol sa TF. In fairness, no talks about TF talaga! Ang naging problema pa namin, ‘yung schedules niyong tatlo para nga magtugma sa araw na magge-guest sila.

“Naayos naman, kaya si Piolo, nasa November 17, then si Sharon sa November 24, at si Daniel nga sa November 25.

“’Yung kay Sharon nga, sobrang thankful talaga kami ni Ate dahil dapat nasa Hong Kong na siya that day, pero nag-adjust siya ng sobra. Ginawa niyang November 25 ng morning ang flight niya para mapagbigyan nga niya kami. Eh, November 25 mismo ‘yung show niya sa Hong Kong, kaya sobrang sacrifice ang ginawa ni Sharon, kaya sobrang nakabibilib at nakaka-touch!” \

“Si Piolo, sobrang gusto ni Ate na makapag-guest siya sa ‘Regine at the Movies’ dahil nagkasama na sila noon sa movie. Hindi pa rin nakakapag-guest si Piolo sa kahit na anong concert ni Ate, pero si Ate, nag-guest noon sa Araneta Coliseum concert niya.

“Then si Sharon naman, idol talaga siya ni Ate kahit noong mga bata pa kami. Nakare-relate si Ate sa mga pelikula ni Sharon, like ‘yung ‘Bukas Luluhod Ang Mga Tala’ at ‘Bituing Walang Ningning.’

“Relate na relate si Ate sa mga pelikulang ‘yan ni Sharon noong time na kahirapan pa kami at nangangarap siyang maging sikat na singer!

“Si Daniel naman, na-impress siya sa kanta, plus box-office ang movie, kaya in line naman sa theme ng concert!”

Dahil Kapamilya na nga si Regine, ang media partner ay ABS-CBN at co-presentors ang PLDT Home, Belo Medical Group at GAOC Dental at major sponsor naman ang Jollibee at minor sponsors ang 81 Seihai, Jkas Catering & Services at Ryu Ramen. (MVN)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Gerald Anderson

Gerald umamin may mga pagkukulang kay Julia kaya naghiwalay

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAHANGA-HANGA ang ginawang pag-amin ni Gerald Anderson na may pagkukulang siya kay Julia Barretto kaya …

Jessy Mendiola Luis Manzano

Luis at Jessy puno ng pasasalamat ngayong 2025 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez MATAPOS ang isang matagumpay na taon para kina Jessy Mendiola at Luis Manzano, nagpasalamat …

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …