NADAKIP ang limang Chinese national habang pinaghahanap ang apat iba pa makaraang halinhinang gahasain ang isang babaeng kapwa Chinese sa isang hotel sa Muntinlupa City, noong Martes.
Sa tulong ng interpreter, ikinuwento ng biktimang babae, 26-anyos, ang umano’y panghahalay sa kaniya ng walong lalaki at isang babae.
Katrabaho umano ng biktima ang mga suspek sa isang call center at magkakatabi lang ang kanilang mga kuwarto sa hotel na kanilang tinutuluyan.
Ayon sa biktima, hapon ng Martes nang bigla siyang hinatak ng siyam suspek sa isang kuwarto at siya ay halinhinang ginahasa.
Makaraan ang panggagahasa, binantaan ng mga suspek ang babae na huwag magsumbong bago nila iniwan sa kuwarto ang biktima.
Nang iwanan ang biktima ay humingi siya ng saklolo sa mga awtoridad.
Ayon kay Southern Police District director, S/Supt. Eliseo Cruz, makikipag-ugnayan sila sa Bureau of Immigration at embahada ng China para kaso.
Nasa kustodiya ng Department of Social Welfare and Development ang biktima para sa debriefing.
Habang sumalang nitong Miyerkoles sa inquest proceedings ang limang nahuli.