“MALAKAS kami sa export!” Ito ang iginit ni Ms. Merce Lim, Executive Vice President for Operations ng RDL Pharmaceuticals, Inc. kung kaya’t hindi sila nag-aalala sa pagsusulputan ng napakaraming skin care products.
“RDL is made. We’re already 23 years. Sila seasonal pa lang. We’re not intimidated. Kasi hindi nila alam ang pinagdaanan ng RDL na from scratch na talagang from backyard, nag-house to house kami,” paglilinaw pa ni Ms. Lim. “Malakas kami sa export, pine-fake nga kami.”
Kuwento pa ni Ms. Lim, kinailangan nilang magpa-WIPO (World Intellectual Property Organization) ng kanilang produkto para labanan ang mga nagkalat na pekeng skin care products.
Kung ating matatandaan, humingi ng tulong ang RDL Pharmaceutical para sa Intellectual Property Office (IPO) at sa International Bureau ng WIPO para sa kanilang produkto.
“Gusto ko kasi ma-lessen man lang. Kasi ang mga fake people hindi mo maiiwasan. Ngayon nag-stop sila pero lilipat lang pala sila sa ibang lugar. Hindi mo sila ma-control.
“Nanalo kami sa Indonesia. May isa roon na nagki-claim sila na sila ‘yung may-ari. Pati logo naming inaari nila,” sambit pa ni Ms. Merce.
Samantala, inimupisahan na ni Ms. Merce ang kanyang digital show, ang Simply Merce noong Nobyembre 11.
“More on lifestyle ito. Women empowerment. Maraming issue kaming pag-uusapan,” masayang pagbabalita ni Ms. Merce.
“More on inspirational din ito. More on beauty, relationship, business, at kung ano-ano pa,” dagdag pa ni Ms. Merce.
Inihayag pa ni Ms. Merce na magsasagawa sila ng charity sa Kapaskuhan na magbibigay sila ng pagkain sa mga bata.
SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio