Monday , December 23 2024
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

‘Manyakol’ ‘di dapat kuning sponsor para sa beauty pageant

NABUKSAN din ang Pandora’s Box ni ‘wild and horny’ Amado Cruz matapas manindigan ang tatlong Miss Earth contestants sa ‘bastos’ na pakikitungo sa kanila ng isa umanong sponsor.

Sa tatlong nagreklamo, tanging si  Miss Guam, Emma Mae Sheedy — ang tahasang tumukoy sa isang Amado Cruz, ipinakilala umano sa kanila bilang sponsor at nagmamay-ari ng maraming restaurants sa bansa, ang walang tigil na lumalapit at kumokontak sa kanya at sa iba pang contestants for sexual favors.

Sa magkakahiwalay na posts sa Instagram nina Miss Earth con­testants Jaime VandenBerg ng Canada, Abbey-Anne Gyles-Brown ng Britain at si Emma Mae Sheedy ng Guam sinabi nila na halos isang buwan silang sexually harassed hanggang sa pinakahuling araw ng pageant nitong 3 Nobyembre.

Ayon pa sa mga contestant, kung itrato sila ni Cruz ay para silang mga guest relations officer (GROs). Mantakin ninyo, kinatawan ng iba’t ibang bansa bilang Miss Earth, tapos  itatratong parang mga GRO?!

Kaya naman nag-resign sa Miss Earth sa Miss Guam at dali-daling umwi sa kanilang bansa.

At ang pinakamatindi rito ‘yung pagsayawin sila sa

Manila Yacht Club.

Klarong-klaro na sexual harassment ‘yan na ‘namumulaklak’ sa indecent proposals, sexual innuendos at walang katapusang hipo-hipo.

Sa kuwentong ‘yan ng mga constestants, kahit saang anggulo, e mawawatasan na sukdulan pala ang libog ng ‘matanda at nanghihina’ pa raw, sabi ng kanyang alalay, na si Mr. Amado Cruz?!

Ang hindi natin maintindihan kung bakit kumukuha nang ganyang klaseng sponsor ang Miss Earth. Pinakamaliit man sila sa apat na inter­national pageants sa buong mundo, napakalaki naman ng kontribusyon nila sa pagtuturo sa buong mundo para mahalin ang kapaligiran.

Sa pamamagitan ng isang foundation mayroon silang partnership sa ating pamahalaan, at sa United Nations Environment Programme, ganoon din sa mga organisasyon gaya ng Greenpeace at World Wildlife Foundation.

Nakarating na umano sa kaalaman ni Ms. Lorraine Schuck, executive vice-president ng Carousel Productions, ang nagpapatakbo ng Miss Earth pageant.

Agad ipinag-utos ni Ms. Shuck na hindi dapat makita si Mr. Cruz sa mga susunod na event. Maliban umano sa coronation night dahil iyon ay public event, at hindi nila puwedeng pigilan si Mr. Amado Cruz.

By the way, ang Mr. Cruz kayang iyan ay ‘yung Mr. Cruz na minsang dumayo sa aming opisina at nakikiusap na ‘pagbigyan’ umano ang ‘maliliit na eatery’ diyan sa Intramuros sa harap ng mga kilalang unibersidad dahil kawawa naman daw ang mga estudyante?!

Pero inireklmao ng mga magulang dahil sa gabi pala ay ‘beer garden’ ang nasabing ‘eatery’?

Nagpapa-padrino ang ‘manyakol’ dahil kawawa naman daw ang mga estudyante na kung ‘lumaklak’ ng serbesa at iba pang uri ng drinks ay ‘til the last drop’ down.

O ‘di ba, may padron ang imoralidad ng Mr. Cruz na ‘yan sa Ms. Earth at ‘yung Mr. Cruz na nag­­su­­sumamo sa aming opisina?!

At ang hindi natin malilimutan diyan, ‘yung sabihin sa atin na mayroon daw siyang mga ‘estudyante’ sabihin lang daw sa kanya.

Pero kahit gusto nang umalagwa ng kamao ng inyong lingkod ay pilit nating kinontrol at ‘magalang’ at ‘mahinahon’ as in ‘pinipigil na gigil’ na tinanggihan ang alok ng bugaw ‘este ng businessman daw…

Wattafak!

Ngayon kung iisa po ‘yang Mr. Cruz ng Miss Earth at Mr. Cruz ng Intramuros eatery cum beer garden sa gabi, palagay natin ‘e hindi sapat ‘yung tanggalin lang sa beauty pageant  kundi dapat pa siyang asuntohin para maintindihan niya kung ano ang ginawa niya.

Attention Ms. Schuck!

CONVICTION KAY EX-FL
IMELDA ROMUALDEZ
MARCOS ‘EMOTIONAL
BLACKMAIL’ SA PINOY

MAY natuwa ba? May umindak ba sa saya nang biglang pumutok ang balitang convicted sa pitong graft cases si dating First Lady Imelda Romualdez Marcos??

Wala.

Kasi nga maraming duda sa nasabing conviction. Edad 89-anyos na po si Madam IRM. Tayo bang mga Filipino ay ganoon kalupit? Tiyak maraming ordinaryong mamamayn ang ‘magagalit’ kapag ipinakulong ng gobyerno ang convicted sa ‘graft and corruption’ na ganyan na ang edad.

At baka mag-suggest pa sila: ‘pagbayarin na lang, ibalik ang perang ninakaw.’

‘Yung magsasabi naman na dapat ikulong, lalo na ‘yung mga biktima ng martial law noong panahon ni dating Pangulong Ferdinand Marcos, tiyak makakaranas ng bashing at panlalait.

Kung sa ibang bansa, ipinakukulong agad ang ganyan, dito sa ating bansa, matumal at makupad lalo na nga’t umapela pa si Madam.

Ang tanong kasi ng sambayanan, bakit napa­ka­tagal bago nagdesisyon ang Sandi­gaba­yan?!

Duda rin ang marami kung makukulong nga si Madam IRM, dahil unang-una, malapit na malapit sila ngayon sa bagong admi­nis­trasyon.

Kaya ‘yang comment ni Senator Cynthia Villar na bad timing dahil birthday ng panganay na anak na si Ilocos Norte Gov. Imee Marcos — parang irrelevant, pero…

Maliban… kung kapwa sila ‘aware’  na ang conviction kay Madam IRM ay puwedeng gawing ‘behikulo’ para pag-usapan ang kandidatura ni Ms. Imee?!

Watd’yamin?

Gimik lang ang ‘conviction’ kay IRM?!

Abangan ang resulta ng apela!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *