NAKABALIK na sa Filipinas ang 54 distressed overseas Filipino workers (OFWs) mula Saudi Arabia, nitong Linggo.
Ayon kay Labor Secretary Silvestro Bello III, ang OFWs ay empleyado ng Azmeel Contracting Corporation sa Alkhobar na matatandaang nagkaroon problema noong Agosto dahil umano sa hindi pagbibigay ng tamang sahod sa mga trabahador.
Sinabi ni Bello, hahanapan ang mga OFW ng trabaho sa ilalim ng ‘Build Build Build’ program ng gobyerno.
Bibigyan din ang bawat isa sa kanila ng ayuda na nagkakahalaga ng P20,000.
Dagdag ni Bello, nasa 90 porsyento ng OFWs sa Saudi Arabia ang nais nang umuwi sa Filipinas at sa ngayon ay nasa 1,473 ang nakatakdang i-repatriate ng embahada.