Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
ArDub Maine Mendoza Arjo Atayde

Relasyong Arjo at Maine, totoo at ‘di promo ng MMFF movie

HINDI pa rin bumabalik sa bansa sina Arjo Atayde at Maine Mendoza simula noong umalis sila nitong Nobyembre 3 patungong Bali, Indonesia.

Base sa panayam namin sa nanay ng aktor na si Sylvia Sanchez na nakabalik na ng Pilipinas mula sa isang linggong bakasyon naman sa Bangkok, Thailand kasama ang asawa’t bunsong anak ay wala siyang alam kung anong plano ng panganay na nagdiwang ng kaarawan kahapon, Nobyembre 5.

“Hindi pa sila umuuwi, hindi ko alam kung anong plano nila,” kaswal na sagot sa amin ng aktres nang tanungin namin kung nakauwi na.

Hindi naman kami sinagot na sa tanong namin kung tumatawag ang anak.

As of this writing ay kaliwa’t kanang pamba-bash na ang inaabot ngayon nina Arjo at Maine at maraming nagsabing ‘fake news’ lang dahil ang tunay na kasama ng aktor ay ang girlfriend niyang miyembro ng Girltrend na si Sammie Rimando. May nagsabi ring si Alden Richards ang kasama naman ng Kapuso actress.

For the record, matagal nang hiwalay sina Arjo at Sammie, two months after at saka lang nakipag-date ang aktor kay Maine.

And for the record ulit, lahat ng lalaking iniuugnay kay Maine ay pawang haka-haka lang dahil ang huling boyfriend niya ay during her college days kaya klaro, wala siyang naging karelasyon nang pasukin niya ang showbiz.

Tulad ng isinulat namin dito sa Hataw kahapon na inamin ng aming source na ‘officially on’ na sina Arjo at Maine ay kuwestiyonable pa rin sa amin dahil gusto pa rin naming marinig ito mismo sa bibig ng dalawa.

May nagsabi sa amin na kailangang protektahan nina Arjo at Maine ang imahe nila dahil nga bina-bash na sila. ‘Pag hindi kasi sila nagpaliwanag ay ito ang pinaniniwalaan ng lahat.

Sagot namin sa nagsabi, ‘walang pakialam sina Arjo at Maine sa bashers. In fact sinabihan pa kami ng aktor ng, ‘don’t read tita, it’s useless!’ tama rin naman.

Oo nga, wala naman ding mapapala kapag pinatulan ang bashers kasi wala naman silang mga mukha, i-stressin ko lang sarili namin.

Ang maganda siguro, hintayin natin ang pagdating nina Arjo at Maine kung plano nilang i-share ang tunay na estado ng relasyon nila o sasarilinin lang nila.

And for the record, hindi ito promo ng Jack En Poy: The Puliscredibles dahil hindi naman sila ang loveteam kundi sina Maine at Coco Martin.

Kaya sana tigilan na ang tsikang promo ng movie, ginagamit ni ganito si ganyan o anuman dahil ang totoo parehong hindi sila showbiz maski na sa showbiz sila nagtatrabaho.

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …