Saturday , January 10 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Regine Velasquez ABS-CBN Ogie Alcasid
Regine Velasquez ABS-CBN Ogie Alcasid

Regine sa mga basher — Kayo ang panalo rito!

GUMAWA ng open letter si Regine Velasquez para sa kanyang bashers na ipinost niya sa kanyang Instagram account noong Lunes. Ito’y sagot niya sa netizens na nagpakawala na naman ng masasakit na salita laban sa kanya, na idinamay pa ang kanyang asawang si Ogie Alcasid at anak nilang si Natepagkatapos lumabas ang balita tungkol sa ratings ng ASAP at Gandang Gabi Vice—ang dalawang unang programa ng ABS-CBN na nilabasan niya bilang balik-Kapamilya, noong Linggo, October 28.

Base sa datos ng AGB Nielsen, naungusan sa ratings ng Sunday Pinasaya ang ASAP at Kapuso Mo, Jessica Soho/Sunday Night Box Office ang GGV.

Narito ang kabuuan ng mensahe ng Asia’s Songbird:

“Dear bashers, I’m truly happy for GMA Congratulations to everyone in SPS and KMJS. And I’m happy you guys are happy.

“But just a suggestion total sinasabi nyong lahat na hindi ako kailangan ng GMA, sinabihan nyo ako na wala akong utang na loob walang akong loyalty (apparently 20 years can not be considered being loyal) na muka akong pera. Maybe you guys can stop insulting me my husband and my son.

“Lumipat lang po ako ng network hindi ako pumatay ng tao.

“Again I’m grateful for my 20 years in GMA I made a lot of friends there and i have great memories being a kapuso.

“Tutal naman po nayurakan nyo na ng bonggang bongga ang pakatao ko na parang bang may nagawa akong masama sa inyo personally.

“You guys obviously HATE me gets ko na po. Gets ko rin na hindi nyo papanoorin ang mga shows na gagawin ko sa ABS tanggap ko na po yun at wala naman pong pilitan ito.

“Free TV po ito walang bayad we are all here to provide you entertainment FOR FREE!!!! So sa madaling salita kayo ang panalo dito.

“nagmamahal kapamilya Regine.”

MA at PA
ni Rommel Placente

Jericho, ‘di pinuputol ang komunikasyon sa ina ni Isabel

Jericho, ‘di pinuputol ang komunikasyon sa ina ni Isabel

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Lala Sotto MTRCB

Sa pamumuno ni Chair Lala Sotto, MTRCB nakapagribyu ng 172,000 na materyal noong 2025; isinumiteng mga pelikula umangat sa 13.34%

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAKAPAG-REVIEW ang Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB), …

Beauty Gonzalez

Beauty certified yoga instructor na

I-FLEXni Jun Nardo MATAPANG, bumiyahe mag-isa si Beauty Gonzales, huh! Ginawa niya ‘yan nang pumunta siya …

Robi Domingo John Lloyd Cruz

John Lloyd at Robi muntik daw magsuntukan sa kasal nina Zanjoe at Ria

MA at PAni Rommel Placente HOW true na muntik na raw magsuntukan sina Robi Domingo at John Lloyd …

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …