Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Regine Velasquez Regine at the Movies
Regine Velasquez Regine at the Movies

Regine, 50 songs ang pag-aaralan para sa 3 gabing concert

KUNG excited si Regine Velasquez sa tatlong gabi niyang concert, ang Regine at the Movies, na gagawin sa November 17, 24, at 25 sa New Frontier Theater (dating Kia Theater), mas doble ang excitement namin at tiyak ng fans din

Paano’y magaganda ang kasama niya niya sa series of shows. Makakasama niyang una si Piolo Pascual sa Nov. 17, si Sharon Cuneta sa Nov. 24, at si Daniel Padilla sa Nov 25.

Ayon kay Regine, dream niyang makasama sa isang show si Sharon.

“Hindi ito isang malaking show pero pinagbigyan niya ako. Mayroon nga siyang show sa HongKong dapat pero pinagbigyan niya ako. Aalis siya that day dapat. Sabi niya, ‘dahil mahal kita, on the day itself ng show ko na lang ako aalis.’

“Kay very touch ako sa ginawang ito ni Sharon kasi nga parang patikim lang ito dahil may mas malaki pa kaming pinaplano for next year.”

Napili naman niya si Daniel dahil sobra siyang na-impress noong nakita nakita niya ang actor sa ABS-CBN Ball. “Na-impress ako sa galing niyang kumanta ng live. Kasi hindi ko naman siya nakikitang kumakanta ng live talaga. I asked my sister kung puwede siya i-guesst at tinext ko naman si Karla (Estrada) at pumayag naman siya.”

Sa ASAP in Sydney naman sila nagkasama ni Daniel at doo’y sinabi niya ang planong concert.

Si Piolo ang unang-unang na-confirm.”Si Piolo talaga matagal na naming tinanong at umoo naman siya.”

Ani Regine sa isinagawang intimate mediacon sa SeiHai Sushi Lounge,  ang concept ng concert, “I’ll be singing songs from the movies. Puwedeng themesong, puwedeng loveteam o ginamit sa isang pelikula. Basta, ang isang kanta na involve sa isang pelikula. ‘Yung mga usual, Titanic ‘yung mga ganoon. Of course, both foreign and local ang kakantahin ko.

“I’ll be singing songs na themesong na naging movies ko, ‘yung mga pelikula ng Star Cinema, iconic movies. ‘Titanic,’ ‘James Bond,’ ‘Rocky,’ ‘A Star Is Born.’ At siyempre kakantahin ko rin ang themesong sa ‘Breakfast at Tiffany’s.’

“Exciting kasi mayroon ding mga cartoon, pero pinili lang namin kasi kung hindi baka kulang ang tatlong araw. At since ang daming mga kanta at since naging reputation ko na bawat araw ay ibang repertoire,  bawat araw, iba-ibang repertoire. Kasi pinahihirapan ko talaga ang sarili ko eh.”

Sa small venue lang ngayon ang kanyang concert dahil gusto niyang mayroong concept ang kanyang concert bukod pa sa mas intimate ang ganoon.

Sinabi pa ng Asia’s Songbird na mayroong 50 kanta ang kanyang aaralin para sa tatlong gabing concert na ang musical director ay pamamahalaan ni Raul Mitra at ang stage director ay si Paolo Valenciano.  

Media partner ng Regine at the Movies ang ABS-CBN, co-presentors ang PLDT Home, Belo Medical Group, at GAOC Dental. Major Sponsor ang Jollibee, Minor Sponsors ang 81 Seihai, Jkas Catering & Services, at Ryu Ramen. Ang tiket ay available sa Ticketnet outlets. Para sa ibang katanungan tumawag sa 9115555 o sa online ng Ticketnet.com.

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

Ngayon lang ako nakatikim ng engrandeng birthday at pa-cater — Joshua

Ngayon lang ako nakatikim ng engrandeng birthday at pa-cater — Joshua

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …