MATAGAL nang inaawitan ng mga pageant organizer si Liza Soberano para lumahok sa mga timpalak.
May halong Filipino at dugong banyaga, tiyak na may tulog ang ilang kandidatang makakalaban ni Liza if ever. Bukod pa rito ang husay ng aktres sa communication skills.
As of now, tila wala sa list of her immediate priorities ang pagsali sa mga beauty contest.
But don’t look now, baka kasi magulat ang Pinoy audience once na tumambad ang mga candidate sa Ms. World na gaganapin sa Sanya, China sa December 8 this year.
Isang biglaang tingin kasi kay Miss Puerto Rico na si Dayana Martinez ay mapagkakamalan mong long-lost sister ni Liza.
Bagama’t may pagkamorena ang Puerto Rican beauty, Laysang-Liza ang hitsura niya sa maraming anggulo sa litrato.
Ayon sa napanood naming website, isa si Dayana sa Top 15 contenders. Bagama’t forecast lang naman ‘yon, sad to say, wala roon ang ating pambato na si Katarina Rodriguez.
Pero malay naman natin, baka sa mismong pageant night ay mangabog si Katarina?
HOT, AW!
ni Ronnie Carrasco III