Monday , January 12 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Katiwalian sa PNP mababawasan — Lacson (Sa taas-sahod sa pulis)

UMAASA si Senador Pan­filo Lacson na mababa­wasan ang katiwalian sa Philippine National Police (PNP) o mawawala na ang kotong cops kapag ipina­tupad sa Enero 2019 ang pagtataas ng sahod sa mga pulis.

Naniniwala rin ang Se­na­dor na magiging epektibo ang pagtataas sa sahod at mga benepisyo sa mga pulis dahil sa “political will” ni Pangulong Rodrigo Duterte na maisakaruparan ito sa ilalim ng kanyang pamu­muno.

Aniya, wala nang dahi­lan para magloko pa ang mga pulis dahil naibigay na lahat ng Pangulo ang nara­ra­pat para maging matino at tapat sila sa kanilang mandato para sa bayan at kapayapaan.

Sa kabila nito, hindi pa rin maiaalis ang pangamba ni Lacson na may ilan pa sa hanay ng mga pulis ang gahaman sa kapangyarihan at sa limpak-limpak na salapi na kikitain sa katiwalian kahit naibigay na ang lahat ng Pangulo para sila ay mag­bago.

Inihalimbawa ni Lacson ang ilang mga opisyal ng PNP na ang iba ay retirado na, na pinag-aral ng bayan sa pamamagitan ng PMA at PNPA kapalit ng malalaking suweldo at benepisyo ngu­nit nagna­kaw pa rin sa ka­ban ng bayan at kung min­san maging ang meal al­lowances ng mga pulis ay ibinubulsa ng ilang tiwaling opisyal. (C. MARTIN)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Cynthia Martin

Check Also

Goitia BBM Audie Mongao

Goitia: Disiplina ang Sandigan ng Republika May Tamang Lugar ang Pagtutol

Kapag ang isang aktibong opisyal ng militar tulad ni Audie A. Mongao ay hayagang nagbawi …

Sogo Employee Returns Lost Cash P400,000

Hotel Sogo Employee Selflessly Returns Lost Cash Worth More Than P400,000

  QUEZON CITY, Philippines – A Hotel Sogo Santolan employee, Mr. Raymond Tobasco, discovered a …

PDEA

Batakan tinibag ng PDEA; Operator, 3 runner tiklo sa Porac, Pampanga

BINUWAG ng mga ahente ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), Pampanga Provincial Office ang isang …

Arrest Posas Handcuff

Most wanted criminal ng CamSur nabitag sa Bulacan

NAHULOG sa kamay ng batas ang isang indibidwal na nakatala bilang most wanted person sa …

Olongapo PNP Police

12 timbog sa Oplan Roulette sa ‘Gapo

ARESTADO ang 12 indibidwal nang ipatupad ng Olongapo CPS, katuwang ang Criminal Investigation and Detection …