ANG Philippine Agriculturists Association ay nagsagawa kamakailan ng kanilang 6th National Congress at 2018 Agriculturists Summit sa Cebu City sa temang “Climate Change Adaptation and Disaster Risk Reduction: Role o Philippine Agriculturists.”
Pinuri ni Gonzalo Catan Jr., executive vice president ng Green Charcoal Philippines, ang nasabing okasyon dahil sa paglalaan sa mahigit 2,000 miyembro nito ng pagtitipon para matalakay ang mga isyu at updates hinggil sa agri profession gayondin sa crosscutting techniques para sa climate change adaptation at disaster risk reduction.
Ayon kay Catan, ang nasabing pagtitipon ay nagkaloob ng pagkakataon na maibahagi ang resulta ng mga pagsasaliksik at mainam na praktis, na ang akademya at lokal na pamahalaan ay maaaring magsanib para sa maibahagi sa mga magsasaka ang mga kaalamang natutunan.
Aniya pa, ito ang maaaring maging daan para sa mga magsasaka na bumalik sa bukid. Sa kasalukuyan, maraming mga magsasaka ang nililisan ang sakahan dahil sa paniniwalaang maliit ang kita sa pagtatanim.