DUMAGSA ang umuwing mga pasahero sa Metro Manila nitong Linggo pagkaraan ng mahabang bakasyon sa mga lalawigan dahil sa paggunita sa Undas.
Sa Araneta Center Bus Terminal sa Cubao, Quezon City, at sa bus terminal sa Pasay City, maraming mga pasahero ang bumaba mula sa mga bus nitong Linggo.
Karamihan sa kanila ay sumakay ng taxi habang ang ilan ay sinundo ng kanilang mga kaibigan o kaanak.
Samantala, ilang pasahero na ginunita ang Undas sa Metro Manila, ang sumakay ng bus pauwi sa kanilang mga lalawigan.
Tradisyonal na ginugunita ng mga Filipino sa mga lalawigan ang All Saints’ Day at All Souls’ Day para magbigay respeto sa yumaong mga mahal sa buhay.