Saturday , November 16 2024
knife saksak

6-anyos bata tinarakan nang 22 beses ng tiyuhin (‘Nangangagat na asuwang’)

PATAY ang isang 6-anyos bata makaraan pag­­sasaksakin ng kani­yang tiyuhin sa Bacolod City, nitong Sabado ng madaling-araw, dahil malimit umano siyang kagatin ng pamangking ‘asuwang.’

Sa imbestigasyon ng Women and Children’s Protection Desk (WCPD) ng Bacolod City police, 22 beses sinaksak ng suspek ang kaniyang pamangkin na anak ng kanyang kapatid dahil sa hinalang asuwang ang biktima.

Hinihinalang nasa ilalim ng impluwensiya ng ilegal na droga ang suspek, ayon kay Insp. Arlyn Torrendon, hepe ng WCPD sa Bacolod City.

Kuwento ng babaeng kapatid ng suspek, na tiyahin din ng biktima, nasa kabilang bahay sila ng 7-anyos kapatid ng biktima nang makarinig sila ng pagsigaw ng bata.

Nang puntahan ang bahay ng suspek ay bumulaga sa kaniya ang biktimang duguan at wala nang buhay.

Habang ayon sa ama ng biktima, matagal nang nagbabala ang kaniyang babaeng kapatid na huwag iwanang mag-isa ang mga anak sa suspek dahil gumagamit umano ng ilegal na droga.

Ngunit giit ng suspek, aswang talaga ang bata dahil madalas daw siyang kinakagat.

Desidido ang ama ng biktima na sampahan ng kaso ang kaniyang kapa­tid.

 

About hataw tabloid

Check Also

Robin Padilla West Philippine Sea WPS

Para sa impormasyon tungkol sa West Philippine Sea
SEN. ROBIN, PCG GAGAWA NG PELIKULANG ANTI-FAKE NEWS

MAY pinaplanong sine si Sen. Robinhood “Robin” C. Padilla para maghatid ng tamang impormasyon sa …

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *