Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Mensahe ni Kris sa basher — I was born to be a fighter… I refuse to lose

SA Facebook page ni Kris Aquino niya isini-share ang three-part life update niya para sa lahat ng nagtatanong kung kumusta na ang health at career niya.
Nabanggit ni Kris kung ilang klaseng gamot ang iniinom niya araw-araw para sa mga karamdaman niya tulad ng hypertension, bouts with migraine, at allergy iba pa ‘yung vitamins at tinawag pa niyang walking pharmacy ang sarili.
Saad pa ng social media influencer, “at least buhay.”
Hindi naman nagbigay ng update si Kris tungkol sa demanda niya dahil baka mag-benefit pa ang taong kinasuhan niya.
Aniya, ang perang nakuha sa kanya ay kikitain pa niya, mas nag-aalala siya para sa mga anak na sina Joshua at Bimby na baka ma-stress din dahil inaalala siya.
“It was my health that suffered. I would not have taken it to this level had it not been my health, and had it not been my children suffering,”  pahayag ni Kris.
May basher na nagsabing mayabang siya kaya inabot niya ang ganito na hindi pinalampas ng mama ng magkapatid.
“If gusto ng marami lumagapak ka at hindi ka na makabangon then kailangan bilib ka talaga sa sarili mo. Because I was born to be a fighter and I really refuse to be left on my knees. I refuse to lose,” sabi nito.
”Hindi naman ninakaw ang pinambayad ng aming mga bahay at lupa, huwag na akong diktahan na ibalik ang buhay namin sa kadiliman.
“My belief is simple, do not harm yet accept no bullying either. Life is too short to spend it explaining my actions to people preconditioned to misunderstanding. I prefer to breathe,” say niya.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Gerald Anderson

Gerald umamin may mga pagkukulang kay Julia kaya naghiwalay

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAHANGA-HANGA ang ginawang pag-amin ni Gerald Anderson na may pagkukulang siya kay Julia Barretto kaya …

Jessy Mendiola Luis Manzano

Luis at Jessy puno ng pasasalamat ngayong 2025 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez MATAPOS ang isang matagumpay na taon para kina Jessy Mendiola at Luis Manzano, nagpasalamat …

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …