Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Chef Anton Amoncio Cookie’s Peanut Butter

Chef Anton Amoncio, hinangaan dahil sa pagluluto gamit ang Cookie’s Peanut Butter

IMPRESS na impress ang libo-libong mga food lover at food resellers kay Chef Anton Amoncio sa katatapos na KAINdustriya confab ng Puregold na naganap sa World Trade Center sa Pasay City.

Nagluto si Chef Anton, na kauna-unahang Pinoy grand winner ng Food Hero Asia competition ng Asian Food Channel at The Food Network, ng masasarap, madaling lutuin, at malusog na recipes gamit ang Cookie’s Peanut Butter Pangluto bilang kanyang pangunahing sangkap.

Ipinakita ni Chef Anton ang versatility ng produkto bilang isang mahalagang sangkap sa pagluluto sa araw-araw na pagkain para sa buong pamilya. Ang mga iniluto ni Chef Anton ay Asian stir beef, chicken in spicy peanut butter sauce, at Cookie’s Peanut Butter crostini.

Gawa sa mga natural na sangkap at walang kahit na anong preservatives, ang Cookie’s Peanut Butter ay isang produkto na gawa sa lungsod ng Binan, Laguna – ang bayan ng lalaking nag-develop sa masarap nitong recipe, si Cookie Yatco. Nag-umpisa ang Cookie’s Peanut Butter bilang isang homemade na produkto na inihahanda ni Joy Abalos-Yatco sa sarili niyang kusina bilang espesyal na regalo sa kanyang pamilya at malapit na mga kaibigan lalo na tuwing holidays. Naging instant hit ang brand sa kanyang pamilya at mga kaibigan at dahil dito, nagdesisyon si Joy at ang kanyang mister na si Cookie na i-distribute ang produkto commercially para maibahagi sa mga mainstream consumer at para na rin makapagbigay ng long-term na trabaho sa maraming tao.

Sa kasalukuyan, ang mga flagship product ng brand ay kinabibilangan ng Cookie’s Peanut Butter, Cookie’s Cashew Butter, at Cookie’s Peanut Butter Pangluto at pati na rin ng Mani Ni Cookie at Kasuy Ni Cookie.

Para sa mga exciting news at updates sa Cookie’s Peanut Butter at mga masasarap na recipes mula kay Chef Anton, sundan ang @cookies_PB sa Twitter, @Cookies_ph sa Instagram, at i-like ang @CookiesPeanutButter sa Facebook.

Mabibili ang Cookie’s Peanut Butter sa mga groceries at supermarkets sa buong bansa.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Maya Twinyonaryo

Maya sa Twinyonaryo ng paghiram, paggastos 

NGAYONG Kapaskuhan, mas sulit ang bawat gastos mo lalo kung may chance manalo ng malaki …

Christine Dayrit 60 Dream Holidays Around the World

Lipa City Top Global Destination sa 60 Dream Holidays Around the World ni Cristine Dayrit

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez LIPA, isang lungsod sa Batangas na paboritong local destination ng may …

SM MoA Adidas FIFA

SM Mall of Asia Binuksan ang Kauna-unahang adidas Football Park sa Southeast Asia

PUMASOK ang SM Supermalls sa bagong yugto ng world-class sports destinations sa paglulunsad ng kauna-unahang …

Araneta City

Christmas Happenings in Araneta City (Dec. 18 to 24, 2025)

We are pleased to share with you the list of events and activities in Araneta …

BingoPlus G2E Asia PH FEAT

BingoPlus furthers Responsible Gaming and Corporate Social Responsibility Campaign at G2E Asia PH

Erick Su, Head of ArenaPlus under DigiPlus Interactive Corp. at the G2E Asia PH 2025. …