MAINIT na tinanggap ng mga manonood ang pilot episode ng first Fiipino anime series na Barangay 143 noong nakaraang Linggo (Oct 21).
Base sa overnight data (individuals) ng AGB Nielsen NUTAM, wagi ang Barangay 143 sa timeslot at nakakuha ng rating na 4.4% kompara sa kalaban nito na may 3.2%.
Top trending topic din ang official hashtag nito na #Brgy143AngSimula sa Twitter na bumuhos ang mga papuri ng netizens sa anime na nilikha ng Synergy88 Entertainment Media Inc, August Media Holdings, TV Asahi, at ASI Studios.
“Pilot episode pa lang grabe na. Paano pa yung mga susunod na episode. Tunay ngang marami pa tayong aabangan. Congrats @brgy143!” sabi ni @iamjayyemm.
“Ang galing! Nakaka-excite ang mga mangyayari. Ang ganda ng story. Ang galing ng pagkaka-dub. Excited na kami mapanood ang next episode,” sabi naman ni @iris_Sarana.
“Sulit ang pinaghirapan! Kudos sa gawang Pinoy. Keep it up!” sabi ni @kookai44418145
Nakilala na nga ng bayan ang binatang si Bren Park at nakita kung paano nalagay sa peligro ang kanyang pamilya habang papunta sana sa kanyang basketball game. Ipinakilala na rin ang mag-amang Vicky at Coach B at kung paano nila binabangon ang kulelat na basketball team na Puzakals.
Pakatutukan ang first Filipino anime series na Barangay 143, tuwing Linggo, 10:a.m. sa GMA.
Tuloy ang viewing experience online dahil mapapanood ang Barangay 143 Game Na live sa Facebook, 10:30 a.m., na may pre-show ng 9:45 a.m.