Friday , January 27 2023
Buboy Villar, Ruru Madrid
Buboy Villar, Ruru Madrid

Ruru handang magpautang ng P150K kay Buboy

MATABIL
ni John Fontanilla

PINUSAN ng netizens ang ang Tiktok video na in-upload ni Buboy Villa na pinrank nito si Ruru Madrid.

Sa video ay makikita kung gaano kabuting kaibigan at sobrang generous ni Ruru sa mga taong malapit sa kanya.

Sa prank video makikita ang kunwari’y paghingi ng tulong ni Buboy dahil due date na ng kinuha niyang sa­sakyan, Mercedes Benz at nanganga­ila­ngan siya ng P250K.

Pero kalaunan ay sinabing P2.5k na lang ang hihiramin kay Ruru, pero biglang nagsalita ito na dahil kaibigan niya si Buboy at inaanak nito ang anak nito bibigyan niya na lang ng P150K at hindi na kailangang mangu­tang.

Kaya naman nagulat si Buboy sa sobrang generosity ni Ruru at dito na niya inamin na prank lang ‘yun. Kaya naman natawa na lang si Ruru, pero biniro ni Buboy ang aktor na baka kahit prank lang ay puwede niya kunin ang P150k na dahilan para muling matawa si Ruru.

Marami nga ang nag-comment sa nasabing video na saludo at humanga sa kabaitan ni Ruru na handang tumulong sa nagigipit na kaibigan.

About John Fontanilla

Check Also

Charles Angeles

Charles ng Marikit Artist Management handa sa intriga sa showbiz

MA at PAni Rommel Placente NOONG Martes ng gabi, ipinakilala sa entertainment press ang bagong …

Sanya Lopez Gabbi Garcia Kylie Padilla Sunshine Dizon

Sunshine balik-Kapuso, sisimulan agad ang Mga Lihim ni Urduja

MA at PAni Rommel Placente PAGKATAPOS hindi i-renew ng GMA 7 ang contract ni Sunshine Dizon noong 2021, nag-decide …

Klinton Start Nadine Lustre

Klinton Start wish maka-work si Nadine

MATABILni John Fontanilla MAGDIRIWANG ng kanyang ika-21 kaarawan ang tinaguriang Supremo ng dance Floor at …

JK Labajo Ako Si Ninoy Aquino

Ninoy Aquino hawig ni JK Labajo

MATABILni John Fontanilla KAABANG-ABANG ang bagong pelikulang hatid ng Philippine Stagers Foundation, ang Ako si Ninoy na pinagbibidahan …

Glaiza de Castro David Rainey Alessandra de Rossi, Isabel Oli-Prats, Chynna Ortaleza, Rochelle Pangilinan, Sheena Halili

Kasal ni Glaiza kay David star studded

MATABILni John Fontanilla MISTULANG wedding of the year ang  second wedding ng Kapuso actress na si Glaiza de …

Leave a Reply