Saturday , November 23 2024
Halloween sa Snow World
Halloween sa Snow World

Halloween sa Snow World

MAY makikita kayong “snow ghosts,” zombies, gumagalang mangkukulam, at aswang, at si Snow Man na makikipaglaro sa inyo sa loob ng Snow World Manila. Iyan ay bilang pagdiriwang lang naman ng Halloween sa loob ng Snow World, kagaya ng nakaugalian na taon-taon.

Hindi kayo dapat matakot, dahil hindi naman talagang gumagawa ng mga horror figure sa loob ng Snow World kundi iyong mga cute at nakatutuwang figures na magugustuhan kahit na ng mga bata. Sinasabi nga nila na ang totoo hindi naman dapat na gawing katatakutan ang Halloween. Hindi naman iyan isang scary festival dapat.

Kaya nga hindi dapat matakot kung matapos kayong mag-slide sa pinakamalaking man made ice slide sa buong mundo, ang sasalubong sa inyo sa dulo ay isang zombie. Katuwaan lang po naman iyan dahil sa Halloween.

May mga mangkukulam din kayong makikita sa Snow World cafe, at may mga nakalibing sa Snow play area. Pero kagaya nga ng sinasabi nila, cute ang mga creature at hindi dapat katakutan, after all ang Snow World ay ginawa para sa kasiyahan.

Ang Snow World ay bukas araw-araw mula 4:00 p.m. kung weekdays, at mula 2:00 p.m. kung weekends at kung holidays, kabilang na ang All Saints’ day sa November 1 at November 2.

Paalala lang, talagang parang totoong winter sa loob ng Snow World. Negative 15 degrees ang lamig sa loob. Gayunman, may mga thermal jackets namang ipinahihiram ang Snow World Manila para kayo ay mag-enjoy sa kanilang 365 days winter.

About hataw tabloid

Check Also

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

The Department of Science and Technology (DOST), in collaboration with Western Mindanao State University (WMSU), …

MOHS Remed Pharmaceuticals

MOHS acquires major pharma company

In pursuit of its strategy of vertical integration of its flagship healthcare and wellness business, …

Krystall herbal products

Produktong Krystall katuwang ng pamilya ng delivery rider sa pag-aalaga ng kalusugan

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong, Ako po si …

DOST NSTW Cagayan de Oro City

DOST brings nat’l science, technology, and innovation week in Cagayan de Oro City

The Department of Science and Technology is set to hold the 2024 National Science, Technology, …

DOST-PCCI innovation hub to boost enterprises’ growth

In a landmark collaboration aimed at bolstering the nation’s innovation and economic growth, the Department …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *