SUPORTADO ni Senate President Tito Sotto ang pagtatalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Armed Forces of the Philippines bilang pansamantalang tagapangasiwa sa operasyon ng Bureau of Customs bago ang pagpapalit ng liderato ng ahensiya.
Ayon kay Sotto, naniniwala siya na mga ganitong uri ng “drastic measures” ang kinakailangan upang tuluyang maputol ang mga ilegal na gawain sa BoC na matagal nang suliranin ng bansa.
Magugunitang pansamantalang inilagay ni Pangulong Rodrigo Duterte ang BoC sa pangangalaga ng AFP upang tuluyang masugpo ang katiwalian partikular sa drug smuggling makaraan makapuslit ang ilang shabu shipment.
Giit ng Pangulo, ipapalit ang mga tao mula sa militar habang tinutugunan ang mga kinahaharap na problema sa korupsiyon sa bansa.
(CYNTHIA MARTIN)
Martial law sa Customs
AFP takeover sa Customs kaduda-duda — Pangilinan
Customs sa AFP pakitang tao? — Solon