Monday , December 23 2024
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

LTFRB official sa juicy region itinapon sa poor na probinsiya

NATATANDAAN pa ba ninyo ang isang opisyal ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na nasa isang ‘juicy region’ at nagpapagawa ng mansion sa isang lalawigan sa Eastern Visayas?

Puwes, ang huling balita ay tinanggal na siya sa very juicy na LTFRB office sa southern Luzon at itinapon sa isang malayong probinsiya.

Naging mabilis umano ang ‘asenso’ ng bulsa ni LTFRB official dahil very juicy ang kanyang position diyan sa southern Luzon. Halos dalawang rehiyon ang nasasakop niya na maraming kompanya ng bus ang bumibiyahe.

Kaya ‘yang mga jeepney at tricycle hindi na niya pinapansin.

No wonder kung bakit mabilis na nakapagpatayo ng ‘mansion’ sa isang lalawigan sa Eastern Visayas.

Ibang klase raw ang kapit sa power ng nasabing opsiyal. Kahit kasi marami nang reklamo, matagal din nakapa­malagi sa kanyang posisyon.

Anyway, hindi naman siya tuluyang sinibak, kailangan pa kasing i-lifetyle check…

Hik hik hik…

Itinapon lang siya sa isang lugar kung saan malapit sa kanyang ipinagagawang mansion. ‘Yun nga lang hindi kasing juicy ng kanyang pinanggalingan.

‘Yan naman kasi, ayaw nilang maniwala na seryoso si Presidente Duterte sa kanyang kam­panya laban sa korupsiyon.

At lalo niyang uunahin ‘yung mga opisyal na pinagkatiwalaan niya pero walang ginawa kundi magdelihensiya at magpayaman.

Marami pa po ‘yan, Mr. President!

Sana ay isunod na ng Pangulo ‘yung LTFRB official na manyakol!

Mukhang hindi masyadong napapasadahan o nahihilatsahan ni Pangulong Digong ‘yang manyakol na opisyal sa LTFRB.

Sabi nga sa kanta ni Ogie Alcasid… “sana ay ikaw na nga…” ang sibakin!

Hak hak hak!

ABUSADONG
PULIS-RIDER
NASAMPOLAN

MARAMING natutuwa kay NCRPO chief, Dir. Guillermo Eleazar dahil sa kanyang masigasig at buong tapang na paglilinis sa hanay ng pulisya.

Kumbaga, hindi lang siya sa kriminal mata­pang, kundi maging sa abusadong law enforcers.

Ang pinaka-latest nga ‘e ‘yung dalawang parak na rider na sinabon ni Dir. Eleazar na kini­lalang sina PO2 Ralp Curibang Tumanguil at PO2 Jay Pastrana Templonuevo.

Sinira kasi ng dalawang kamote ang side mirror ng isang taxi nitong 19 Oktubre, 11:00 am sa Andrews Boulevard, Pasay City.

Si Tumanguil ay nakatalaga sa PCP-7, Parañaque City Police Station samantala si Templonuevo ay nakatalaga sa NCRPO.

Nahaharap sila ngayon sa kasong admi­nistratibo alinsunod sa PNP Memorandum Circular No. 2016-002 dahil sa “less grave misconduct serving as escort or security officer whether on foot or by motor vehicle for any private individual regardless of his status in social or religious circles on any occasion unless authorized by the chief of oolice or the appropriate officials authorize to do so.”

Bukod rito, si Tumanguil ay haharap din sa kasong kriminal na malicious mischief na isasampa sa kanya ng driver dahil sa pagsira niya sa side mirror ng taxi.

Ang dalawang pulis ay nag-escort sa isang negosyanteng Koreano na nang­galing sa Parañaque papuntang Andrews Boulevard, sa Pasay. Doon nangayri ang insidente.

Ini-upload ng may-ari ng taxi na si Joseph Curioso Barreno ang video (mula sa kanyang dashcam) ng insidente sa kanyang facebook account na kalaunan ay nag-viral.

O ‘yan, hindi pinalagpas ni NCRPO Chief Eleazar ang ginawa ng dalawang pulis.

Pero sa totoo lang, hindi lang naman ‘yang dalawang pulis na ‘yan ang may ganyang gawi.

Dapat na po sigurong magdagdag kayo ng mga police intelligence na aaresto sa mga kapwa-pulis na ang ginagawa ay mag-escort ng dayuhang casino players gaya nga ng mga Koreano at Chinese nationals.

Mantakin ninyo, Filipino taxpayers ang nagpapasuweldo tapos ang pinagsisilbihan mga dayuhan?!

Arayku!

Pakirekorida na po ‘yan, NCRPO chief, Director Eleazar Sir!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *