Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Xia Vigor
Xia Vigor

Xia, makikirampa sa Goosebumps Halloween ng Araneta

MAKIKIISA si Xia Vigor sa gagawing A Goosebumps Halloween ng  Araneta Center sa October 28 sa Gateway Mall, Ali Mall, at Farmers Plaza.

Magbabahagi si Xia, isa sa mga hurado sa The Kids’ Choice, ng ABS-CBN, ng kanyang expert opinion sa isasagawang Halloween costume contest bilang isa sa mga hurado.

Kaya ang mga batang edad zero to 12 na gustong sumali sa costume contest ay ine-encourage na kumuha ng inspirasyon para sa kanilang ”spooky” look sa pelikulang Goosebumps 2: Haunted Halloween. Ang pelikula ay ipinamamahagi ng Columbia Pictures Philippines, ang sequel sa 2015 movie na mapapanood sa mga sinehan ng Gateway Mall Cineplex, Ali Mall Cineplex at iba pang sinehan nationwide simula October 31.

Magwawagi ng P5,000 at iba pang mga regalo ang mapipili sa  costume contest.

Bukod sa costume contest, puwede ring makiisa ang mga bata sa trick or treat sa mga mall at iba pang side activities.

Para magpa-register, kailangang magpakita ng single receipt purchase worth P700 dated October 28 mula sa anumang Araneta Center establishment. Ang registration ay magsisimula ng 11 a.m..

Mayroon ding Halloween Sale simula October 26 to 28 sa mga participating stores sa Gateway Mall, Ali Mall, at Farmers Plaza.

Sinimulan ng Araneta Center ang kanilang Halloween festivities noong Oktubre 13 at 14 sa pamamagitan ng Hallowkiddies Film Fest, tampok ang makapigil-hiningang pelikula. Mga cute na aso naman ang itinampok noong Oktubre 21 sa Pet Pals Howl-o-Ween Party sa Ali Mall.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Joey Salceda

Salceda, walang kinaalaman sa ‘2024 national budget insertions’

MATINDING pinabulaanan ni dating Albay Rep. Joey Sarte Salceda ang paratang na mayron siyang kinaalaman …

SM Foundation medical mission Olongapo

Social good partners, SM Foundation mount medical mission in Olongapo

Volunteers man the SM Foundation’s Mobile Clinic, providing assistance to patients undergoing electrocardiograms (ECGs) and …

SM Holiday Job Fair

SM Holiday Job Fair + Upskilling Draw Hundreds at SM MOA

The SM Holiday Job Fair + Skills e-Hub officially opens at the SM Mall of …

PRC Physician Doctor Medicine

PRC Board of Medicine aprubado para sa imbestigasyon laban sa mga doktor ng Bell-Kenz

MALUGOD na tinanggap ng abogado at tagapagtaguyod ng karapatang pantao na si Lorenzo “Erin” Tañada …

121225 Hataw Frontpage

Ex-DPWH executives, Curlee Discaya magpa-pasko’t bagong taon sa senado

ni Niño Aclan MANANATILI sa detensiyon ng Senado ang mga dating opisyal ng Department of …