Saturday , November 16 2024
KINUKUWESTIYON ng National Federation of Tobacco Farmers and Cooperatives (NAFTAC) ang iregular na konstruksiyon ng P.5-bilyong Farmers’ Convention Center (FCC) sa Vigan, na hanggang ngayon ay hindi pa nayayari kahit 10 taon na ang nakararaan.

Lider ng tobacco farmers binantaan (Ghost project ibinunyag)

Hataw Frontpage Lapeña sinibak ni Digong sa Customs (Inilipat sa TESDA)

IBINUNYAG ng lider ng mga magsasaka ng taba­ko na nanganganib ang kanyang buhay dahil sa death threats na nata­tang­gap niya mula nang ibunyag ang ‘ghost pro­ject’ sa kanyang lala­wigan.

Ayon sa pinuno ng National Federation of Tobacco Farmers and Cooperatives (NAFTAC) na si Bernard Vicente, nakatanggap siya ng death threats sa tawag at text messages mula nang ibunyag niya ang kuwes­tiyonable at iregular na konstruksiyon ng Farmers’ Convention Center (FCC) na mata­tagpuan sa Vigan.

Nagkakahalaga ng kalahating bilyong piso ang FCC na sinimimulan ng dating gobernador pero sinabi ni Vicente na wala pang 10 porsiyento ang nagagawa mula nang i-award ang kontrata may 10 taon na ang naka­raraan.

“I now fear for my security because from the time I questioned the anomalous projects initiated by the former administration, I am receiving death threats,” diin ni Vicente.

“I am not saying that it came from a certain group of people but it began after I exposed the irregularities happening in our province.”

Nanawagan si Vicen­te sa Presidential Anti-Corruption Com­mission (PACC), Commission on Audit (COA), at sa Kongre­so na bilisan ang imbestigasyon sa nasa­bing proyekto.

“We appeal to our lawmakers and our anti-corruption bodies to speed up the investigation as our group also fear for our livelihood and existence,” giit ni Vicente.

Naunang nagpakita ng pagdududa ang COA sa isang ulat noong naka­raang taon sa pagiging balido, tiyak at patas na presentasyon sa paggas­tos ng General Fund na nagkakahalaga ng P1.34 bilyon na posibleng kabilang sa pinaglaanan ang bayarin sa hindi pa tapos na FCC.

Bukod sa imbesti­gasyon sa iregularidad sa sinabing ‘ghost project,’ nanawagan din ang NAFTAC ng lifestyle check sa mga sangkot sa nasabing proyekto.

Kahit may mga ban­ta, naniniwala si Vicente at ang kanyang grupo na pagbibigyan ang kanilang kahilingan ng mga kongresista at ahensiyang kontra-korupsiyon.

“The Duterte admi­nis­tra­tion is serious on its campaign against cor­rup­tion and the welfare of our tobacco farmers.  We are very certain that this won’t go unnoticed,” dagdag ni Vicente.

Sa panig ng dating administrasyon, sinabi ng isang malapit sa kanila na ayaw magpabanggit ng pangalan na huwag umanong magpadala sa mga paninira.

Aniya, “What’s new? Eleksiyon ngayon, kaya tiyak na maraming maglalabasan na ganyang balita.” Dagdag niya, “Magi­ging baluwarte ba ‘yan kung may mga anomalya ang dating adminis­trasyon?”

About hataw tabloid

Check Also

2 dating kaalyadong politiko ni Mayor Vico Sotto bumaliktad

DESMAYADO na ang dalawang dating mga kaalyadong politiko ni Pasig City Mayor Vico Sotto at …

Bamboo Kawayan

Pamangkin hinamon ng duwelo , Tiyuhin patay sa palo ng kawayan

BINAWIAN ng buhay ang isang 55-anyos na lalaki matapos ilang ulit paluin sa ulo ng …

DOST Teams Up with Wadhwani Foundation to Accelerate Filipino Innovation

DOST Teams Up with Wadhwani Foundation to Accelerate Filipino Innovation

THE Department of Science and Technology (DOST) and the Wadhwani Operating Foundation have signed a …

Artist Lounge Talents MultiMedia Inc

Artist Lounge Talents MultiMedia Inc. inilunsad

MATAGUMPAY ang grand launching ng Artist Lounge Talents MultiMedia Inc., na ginanap last November 10 sa Activity …

Robin Padilla West Philippine Sea WPS

Para sa impormasyon tungkol sa West Philippine Sea
SEN. ROBIN, PCG GAGAWA NG PELIKULANG ANTI-FAKE NEWS

MAY pinaplanong sine si Sen. Robinhood “Robin” C. Padilla para maghatid ng tamang impormasyon sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *