PAGKALIPAS ng 65 taon na nagpapadala ang Pilipinas ng pelikula sa Academy of Motion Picture Arts and Sciences o Oscars Awards ay ngayon lang may nakapasa sa mga hurado para mapabilang, ang Signal Rock sa 86 bansa na magtutunggali para sa kategoryang Best Foreign Language Film.
Sa unang pagkakataon ay napasama na ang Pilipinas sa 86 bansang kasama sa listahan ng mga nominadong pelikula para sa Best Foreign Language Film sa 2019 Oscars, ang Signal Rock na idinirehe ni Chito S. Roño na kasama sa nakaraang Pista ng Pelikulang Pilipino 2018.
Nagsimulang sumali ang Pilipinas sa Academy Award noong 1953 (Genghis Khan ni Direk Manuel Conde) at ang Birdshot (2017) ni Mikhail Red ang huling isinali pero hindi pa rin pinalad na mapasama sa mga nominado.
Nang mapili ang Signal Rock ng Film Academy of the Philippines (FAP) na isali sa Oscars ay masaya at the same time ay na-stress si direk Chito dahil baka hindi ulit mapili? Siyempre bilang premyadong filmmaker ay masakit sa kanya na hindi mapasama sa mga nominado ang pelikula niya katulad noong unang isali ang obra niyang Dekada 90, 2003.
Ha, ha, ha, hindi kaya mas lalong stressed ngayon si direk Chito dahil official entry na ang Signal Rock sa 2019 Oscars at 86 countries ang makakalaban niya?
Matunog ang pangalan nina Direk Brillante Mendoza, Red, Lav Diaz, Adolfo Alix, Jr., at ang namayapang Gil Portes sa Oscars dahil may mga pelikula silang isinali na rin, pero hindi sila nakapasa sa panlasa ng mga hurado.
Kaya naman itong si Intoy (Christian Bables) ay humihingi ng suporta sa mga kababayang Pinoy na paingayin ang Signal Rock by sharing sa social media.
Post ni Christian, “Signal Rock is happy to be Philippines’ representative to Oscars 2019. Pilipinas, we need your help and support. Please help us make noise at lumaban sa 86 pang mga bansa. In God’s will, this might be our Country’s first Oscars nomination. #SignalRockForOscars2019.”
Congrats sa Team Signal Rock at siyempre sa Regal Films.
FACT SHEET
ni Reggee Bonoan