Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Mader Sitang Wilbert Tolentino

Mader Sitang ng Thailand, gustong manirahan na sa Filipinas

AGAD napalapit ang loob ni Mader Sitang sa mga Filipino sa pagdalaw niya sa bansa. Kaya naman nais ni Mader Sitang na mamalagi na raw sa bansa sa kanyang pagreretiro.

Si Mader Sitang ang Asia’s top transgender supermodel “slash” lawyer at internet sensation ng Bangkok, Thailand.

Patok na patok sa kanyang fans si Mader Sitang, nasak­sihan namin ito mismo nang dumalaw siya last October 19 sa H & H Makeover Salon sa The Block, SM North EDSA, QC. Naging matagumpay din ang pasiklab ni Mader Sitang last October 20 sa Fahrenheit Café, E Rodriguez Sr. Ave, QC at One 690 Entertain­ment, Roces Avenue, QC.  Pati na ang event last October 21 sa One 690.

Naaliw ang marami sa bawat event na pinuntahan ni Mader Sitang sa kanyang signature hair flipping dance moves na talagang naghatid ng good vibes sa madla.

Ang pinag-uusapang Mader Sitang Manila Tour phenomena ay handog ng Mr. Gay World-Philippines 2009 (former National Director) and WEMSAP (Web Marketers Specialist Association of the Philippines, Inc.,) founder at President na si Wilbert Tolentino, na isa ring kilalang LGBTQ influencer.

Si Wilbert ang tumatayong manager ni Mader Sitang at marami siyang plano para sa Thai internet sensation.

Ayon kay Wilbert, nais ni Mader Sitang na mamalagi sa bansa sa kanyang pagreretiro. “Mader Sitang will come back to the Philippines. He wants to settle here for good. That’s why I will arrange his papers and other documents.”

Kapag natapos ni Mader Sitang ang kan­yang mga com­mitment sa Thailand, ikakasa na rin ni Wilbert ang project nina Mader Sitang at Vice Ganda. “Mader Sitang and Vice Ganda haven’t met. After Vice Ganda has signed up for H&H Make­over Salon, then we will pro­ceed with the movie project,” saad niya na nabaggit din na willing mag-aral ng Filipino si Mader Sitang para mas main­tindihan siya ng fans.

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio


Sylvia Sanchez, lucky charm ng BeauteDerm!

Sylvia Sanchez, lucky charm ng BeauteDerm!

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …

Pokwang Apology brother

Pokwang na-nega sa paghingi ng ‘sorry’ para sa kapatid, mambabatas binara

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HINDI maganda ang naging reception ng netizen sa apology ni Pokwang on behalf …

Coco Martin Nicole

Coco ‘kinuha’ anak ni Katherine Luna

MA at PAni Rommel Placente KINUHA ni Coco Martin ang anak ng dating aktres na si Katherine Luna na …