Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Jake Cuenca by Andrei Suleik
Jake Cuenca by Andrei Suleik

Sexy pictorial ni Jake, ikina-react ng ilang kapwa artista

SI Jake Cuenca ang pinaka-senior sa edad at sa stature sa limang Los Bastardos. At para siguro ipadama sa madla at kina Albie Casino, Marco Gumabao, Diego Loyzaga, at Josh Colet na batambata pa rin ang hitsura at katawan n’ya, at puwede pa ring makipagsabayan sa kanila, nagpa-pictorial siya na parang pang-bold star, pang-film stud, at walang takot n’yang ipinaskil sa kanyang Instagram at Facebook.

Siguradong pinagpapantasyahan na naman ng mga matrona at bading si Jake! At parang masaya naman si Jake sa ganoon.

Kuha ni Andrei Suleik ang mga litrato sa isang bedroom. Gray ang motif ng mga larawan n’ya na may kasamang hubo’t hubad na siya.

Ang unang ipinaskil na litrato ay teaser lang muna: naka-army green jumpsuit si Jake—pero naka-roll down ang itaas na bahagi ng lagpas-lagpas sa bewang n’ya at kaunti na lang ay kita na ang kanyang most private part.

Ilang araw pagkalipas ay isang buong serye na ng mga litrato n’ya na tinatakpan na lang ng kumot ang kuwan n’ya ang ipinost ng aktor mismo sa IG n’ya.

May ilang kapwa artista ang nag-react sa mga larawan.

Sabi ni Ryan Eigenmann mas gusto n’yang makita si Jake na nakapantalon.

“Grabe siya oh,” comment ni Vina Morales na may kasamang fire emoji.

“Ha­la siya haha­ha [fire emoji],” reaksiyon naman ni  Meg Imperial.

Zanjoe Marudo gave his opinion straight and clear: ”Hot.”

Sa ilang litrato, naka-white underwear si Jake na nakahilata sa iba’t ibang posisyon sa isang sofa.

Ha­bang isinusulat namin ito, wala pang nagri-react sa co-stars n’ya sa Los Bastardos. ‘Di kaya sila na-insecure?

Ang fashion designer na si Rajo Laurel gave him a thumbs up and heart emoji.

Ang mga larawan ay matutunghayan din sa website na www.andrei­suleik.com.

KITANG-KITA KO
ni Danny Vibas

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Danny Vibas

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …