Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Rolando Andaya Jr
Rolando Andaya Jr

Ambush kay Andaya nabigo

NABIGO ang tangkang ambush kay House Majority Leader Rolando Andaya Jr., sa Capitol ng Camarines Sur nitong Martes ng hapon nang masupil ang nag- iisang gunman na sumingit sa mga taga­suporta ng kongresista pagkatapos maghain ng kanyang certificate of candidacy (COC) para gobernador ng lalawigan.

Ayon sa tagapagsalita ni Andaya na si Ruben Manahan III,  kinilala ang gunman na si Ray John Musa, 26 anyos, taga-Sitio Ilaod, Himaao, Pili, Camarines Sur, miyembro ng Capitol Complex Security Unit.

Ayon sa close-in security ni Andaya na si PCI Samuel A. Alforte (Ret.), at Lupi Mayor Roberto Matamorosa naagaw nila ang caliber .38 revolver (TM Smith & Wesson with no serial number) na may limang bala.

Arestado si Musa at kakasuhan ng attempted murder at violation of RA 10591 o ang Compre­hensive Firearms and Ammunition Regulation Act.

Naniniwala si Anda­ya, ang suspek ay inu­tusan ng matitikas na politiko sa Camarines Sur para biguin ang kanyang pagtakbo bilang gober­nador.

“Lalabas din naman siguro ang katotohanan at malalaman natin kung sino talaga ang nag-utos sa kanya. Hindi naman maglalakas-loob iyan kung walang matibay na kina­kapitan,” ani Andaya. “Kung akala nila matatakot ako, diyan sila nagkakamali. Wala nang atrasan ito,” dagdag niya.

(GERRY BALDO)


Armadong lumapit kay Andaya, kinuyog (Habang naghahain ng COC sa CamSur)
Armadong lumapit kay Andaya, kinuyog (Habang naghahain ng COC sa CamSur)
Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Gerry Baldo

Check Also

Goitia BBM Audie Mongao

Goitia: Disiplina ang Sandigan ng Republika May Tamang Lugar ang Pagtutol

Kapag ang isang aktibong opisyal ng militar tulad ni Audie A. Mongao ay hayagang nagbawi …

Sogo Employee Returns Lost Cash P400,000

Hotel Sogo Employee Selflessly Returns Lost Cash Worth More Than P400,000

  QUEZON CITY, Philippines – A Hotel Sogo Santolan employee, Mr. Raymond Tobasco, discovered a …

PDEA

Batakan tinibag ng PDEA; Operator, 3 runner tiklo sa Porac, Pampanga

BINUWAG ng mga ahente ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), Pampanga Provincial Office ang isang …

Arrest Posas Handcuff

Most wanted criminal ng CamSur nabitag sa Bulacan

NAHULOG sa kamay ng batas ang isang indibidwal na nakatala bilang most wanted person sa …

Olongapo PNP Police

12 timbog sa Oplan Roulette sa ‘Gapo

ARESTADO ang 12 indibidwal nang ipatupad ng Olongapo CPS, katuwang ang Criminal Investigation and Detection …