Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Juancho Trivino Ashley Ortega Sanya Lopez Derrick Monasterio Wild And Free
Juancho Trivino Ashley Ortega Sanya Lopez Derrick Monasterio Wild And Free

Sanya, nagpasasa kina Derrick at Juancho

HINDI namin nabilang kung gaano karami ang ginawang pagniniig nina  Derrick Monasterio at Sanya Lopez sa sex-drama-romance movie ng Regal Entertainment na Wild And Free.

Pero, ang tiyak bonggang-bongga ang mga intimate scene ng dalawa na tiyak ikaloloka ng mga manonood.

Subalit hindi lang naman ang mga intimate scene ang dapat abangan sa pelikulang ito, kundi ang istorya at ang acting din ng mga bida.

Matagumpay ang isinagawang red carpet premiere night na isinagawa sa SM Megamall. Ito’y sinuportahan ng mga Kapuso star tulad ni Jak Roberto kasama ang girlfriend na si Barbie Forteza, Jeric Gonzales, Thea Tolentino, basketball player Ricci Rivero, Mikoy Morales, David Licauco, Addy Raj at marami pang iba.

Naroon din ang iba pang members ng cast tulad nina Ash Ortega at Juancho Trivino at ang director nitong si Connie Macatuno.

Simula pa lang ng pelikula’y pasabog agad ang ipinakita nina Sanya at Derrick. Ito ‘yung pagse-sex nila sa loob ng kotse. At saan man gawin ng dalawa ang kanilang intimate scenes, palaban sila pareho at kapansin-pansing nag-eskrimahan sila ng kanilang mga dila.

Bigay na bigay nga kapwa ang dalawa na hindi mo aakalaing first time nilang ginawa ang ganoong bagay.

Bongga naman si Sanya dahil hindi lang kay Derrick siya nagpasasa, kundi maging kay Juancho’y buong puso niyang ipinagkaloob ang katawan.

Kapansin-pansing magaling umarte si Derrick sa mga tagpo nilang mag-ina na ginampanan ni Cheska Diaz.

Kung tutuusin, hindi lang naman ang mga intimate scene ang dapat abangan sa Wild and Free, istorya ito ng isang anak na nalayo sa ina kaya inakalang wala siyang halaga rito. Ukol din ito sa sibling rivalry na hanggang sa pag-ibig ay nagkatapat.

Palabas na ang Wild And Free sa mga sinehan nationwide na binigyan ng Grade B ng Cinema Evaluation Board at R-13 ng MTRCB.

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio


Direk Joven Tan, mas pinaboran ng MMFF committee (Direk Brillante Mendoza, nalaglag)
Direk Joven Tan, mas pinaboran ng MMFF committee (Direk Brillante Mendoza, nalaglag)
Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …