Friday , January 30 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Bea Alonzo Aga Muhlach Paul Soriano First Love.jpg
Bea Alonzo Aga Muhlach Paul Soriano First Love.jpg

Perfect chemistry ang Aga at Bea — Direk Paul 

BALIK-TANAW nga ni Direk Paul na ilang beses siyang bumalik sa bahay nina Aga para mag-pitch at sa huli ay nagustuhan ng aktor ang kuwento pero sa isang kondisyon, gusto niyang makapareha si Bea Alonzo na sumakto naman dahil ang actress din pala ang nasa isip ng direktor na leading lady niya.

Kaya naman sa media day kahapon ay ang saya-saya ng mga cast na sina Aga, Edward BarbersAlbie Casino, at Bea sa pagkukuwento kung gaano sila kasaya habang isinu-shoot ang First Love sa Vancouver, Canada.

Para kay direk Paul ay perfect ang chemistry nina Aga at Bea.

Kuwento naman ni Aga sa unang araw ng shoot nila ni Bea, ”nakita ko parang ninenerbyos si Bea, not naman nerbiyos (per se) kundi naiilang sa akin. I have to tell her sa first shooting day namin, ‘Bea ikaw ang angkla ko rito, sa ‘yo ako kakapit dito, meaning just let me do what I’m gonna hayaan mong mahulog ako sa ‘yo rito. Tama ako, eh. Kung ano ‘yung nakita ko sa kanya (ibang pelikula), nakita ko rito, talagang you’ll become a fan, ‘o my God this girl is crazy, crazy good. Umaarte siya sa harapan ko, siyempre nangangapa rin ako.

“Ito ‘yung Bea Alonzo sa harapan mo na ‘pag nag-react, ‘pag nag-line ka ng ganito at mali ang balik niya sa ‘yo, mapupunta sa ibang direksiyon ang eksena, maiiba eh. Mayroon na akong ramdam, alam ko na kung anong mangyayari dapat doon siya pumupunta talaga, and I think that’s chemistry right away without really talking about it.”

Ibinalik naman ni Bea ang papuri ng aktor, ”noong sinabi niyang ako ang angkla niya kinakabahan kasi ako, sabi niya, ‘don’t worry ako rin kinakabahan’ na minsan kasi kapag malaking aktor (pangalan) star siya hindi mo ‘yan maririnig kasi normally may ego ‘di ba? Siya wala niyon and it made me feel comfortable na parang ‘uy pareho kami’ were equals so mas madali para sa akin.”

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan


Aga, namangha/natulala sa kakaibang galing ni Bea
Aga, namangha/natulala sa kakaibang galing ni Bea
Posibleng magkagustuhan, sakaling parehong single
Posibleng magkagustuhan, sakaling parehong single
Kris to Herbert  — He was there when I needed a friend
Kris to Herbert — He was there when I needed a friend
Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Fifth Solomon Joseph Marco Rhen Esçan̈o

Direk Fifth aarte muli basta maganda ang proyekto  

MATABILni John Fontanilla HANDA pa ring umarte sa mga teleserye o pelikula  si direk Fifth Solomon. Matagal-tagal …

Alden Richards Nadine Lustre

Alden excited makatrabaho si Nadine 

MATABILni John Fontanilla MASAYA si Alden Richards na makakatrabaho si Nadine Lustre. Anang actor, isa si Nadine sa …

Vic del Rosario Ricky del Rosario

Kapatid ni Boss Vic na si Ricky ngayong araw ang libing

I-FLEXni Jun Nardo PUMANAW na ang nakababatang kapatid ni Boss Vic del Rosario ng Viva Group of Companies na …

Rhian Ramos Michelle Dee Baro Alyas Totoy

Michelle nasa Iloilo nang maganap ‘pag-torture’ sa driver, Kampo  ni Rhian iginiit walang illegal detention

I-FLEXni Jun Nardo MAAGAP na naglabas ng panig ang legal counsel nina Rhian Ramos at Michelle Dee sa umano’y …

Claudine Barretto Inday Barretto

Ina ni Claudine na si Mommy Inday pumanaw sa edad 89

PUMANAW na ang ina nina Gretchen, Marjorie, at Claudine Barretto na si Estrella Barretto, o mas kilala bilang Mommy Inday, …