Thursday , December 26 2024
Cinema One Originals
Cinema One Originals

 Cinema One Originals 2018, nakasentro sa krimen

MUKHANG totoo sa kanilang press release ang Cinema One Original sa paghahatid ng mga pelikulang kasali sa kanilang Cinema One Originals 2018 na ang mga tampok na pelikula ay hindi lang maganda kundi flawsome.

Ngayong taon, nakasentro sa krimen ang karamihan sa mga kuwento ngunit mula sa iba’t ibang perspektibo.

Nariyan ang A Short History of a Few Band Things ni Keith Deligero, ang pinaka-diretsahan, isang noir procedural na may temang socio-political.

Inilalarawan naman ng What Home Feels Like na idinirehe ni Joseph Abello ang kanyang ikalawang pelikula na Double Twisting Double Back bilang sports crime film na nakasentro sa buhay gymnast.

Ang Hospicio, ang nagsisilbing pagbabalik ni Bobby Bonifacio sa paggawa ng pelikula, na tila sequel sa kanyang Numbalikdiwa, na nagsimula sa isang krimeng hindi matagumpay at nauwi sa isang hospisyong tila nababalot ng lagim.

Nagbabalik si Carl Papa ( ng Manang Biring) sa isang animated feature na may titulong Paglisan, na tungkol sa mag-asawang nagsisikap buhayin ang kanilang pagsasama habang hinaharap nila ang pagsubok ng sakit na dementia.

Tungkol naman sa isang transgender na magiging surrogate mother sa kanyang transgender na pamangkin ang Mamu And A Mother Too ni Rod Singh.

Kuwento ng Pang MMK ni John Lapus ang buhay ng isang binatang bumisita sa libing ng kanyang amang malayo sa kanya, ang pagbisitang magdadala sa mga hindi inaasahang pangyayari.

Ang Never Tear Us Apart ni Whammy Alcazaren (director ng Islands) ay iikot sa Third World espionage na may halong old country folklore.

Kakaiba rin ang Asuang ni Ryan Brizuela na tungkol sa kuwentong superhero inversion. At ang Bagyong Bheverlyn ni  Charliebebs Gohetia ay iikot naman sa isang sawi sa pag-ibig na babae na malalamang may bagyong parating na ang bagyo ay mula sa kanyang nararamdaman. At para mapigilan ang pamiminsala nito ay kailangang hanapin niya ang kanyang kaligayahan.

Ang Cinema One Originals ay binuo sa ilalim ng festival partnership program sa Film Development Council Of The Philippines (FDCP). Abangan ang lahat ng mga tampok na pelikula simula Oktubre 12 hanggang 21 sa TriNoma, Glorietta, Gateway, Santolan Town Plaza, at sa Powerplant; sa Cinelokal theaters—SM North Edsa, SM Megamall, SM Manila, at SM Sta. Mesa, at sa alternative cinemas—FDCP Cinematheque Manila, Up Cine Adarna, Cinema ’76, Black Maria Theater at Cinema Centenario.

Mabibili ang ticket sa halagang P200 bawat isa para sa major at alternative cinemas, at sa halagang P150 naman para sa mga estudyante at sa SM CineLokal theaters.

 SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio  

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Sunshine Cruz Atong Ang

Sunshine lalong bumata at sumeksi, maligaya kay Atong Ang

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio FRESHNESS overload. Iba talaga kapag in love. Ito ang nakita …

Sue Ramirez Dominic Roque

Dom at Sue exclusively dating

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ABA’Y date movie na rin lang ang usapan, sure na sure …

Miles Ocampo Elijah Canlas

Balikang Elijah at Miles posible, nahuling naghahalikan

PUSH NA’YANni Ambet Nabus AT dahil kumalat na naman sa socmed ang “kissing scene” ng …

Rufa Mae Quinto Trevor Magallanes

Rufa Mae go-go-go pa rin kahit maraming problema

MA at PAni Rommel Placente MARAMI ang humanga sa pagiging positibo ni Rufa Mae Quinto …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *