Saturday , January 10 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Bea Alonzo Aga Muhlach
Bea Alonzo Aga Muhlach

Bea, ‘nawawala’ sa sarili kapag kaeksena si Aga

HINDI itinago ni Bea Alonzo na excited siya nang tawagan ni Aga Muhlach para sa gagawin nilang pelikulang First Love handog ng Ten17P, Star Cinema, at Viva Films at pinamahalaan ni Direk Paul Soriano.

Sa Media Day kahapon ng First Love na isinagawa sa Dolphy Theater, ibinahagi ni Bea na matagal na niyang dream makatrabaho ang aktor.

“May pupuntahan ako, ‘yung pupuntahan ko walang signal. Nakatanggap ako ng text galing kay Aga Muhlach. Sabi niya, ‘Hi Bea, I have a project for us, can I call you?’

“Sabi ko talaga sa driver ko, ‘sandali, sandali, tumigil ka, tatawag si Aga Muhlach.

“Tapos tinata-try kong ikalma ang sarili ko. And then, ‘Hi, hi po, Kuya Aga, kumusta na.’ Pero ang taas ng boses. Kinakabahan. Tapos sinabi nga niya, na sobrang excited din ang boses niya, sabi niya, ‘galing dito si Paul mayroon kaming project, open ka ba, ganyan ganyan. Hindi pa niya natatapos ang sentence, sumagot na ako ng, ‘opo, opo, sige gumawa tayo ng pelikula.’”

Iginiit pa ni Bea na nag-yes agad siya sa alok ni Aga dahil, ”Bakit ka naman tatanggi sa isang Aga Muhlach. Akala ko hindi na ako magkakaroon ng chance. Kasi nakatrabaho na siya ng mga babae sa generation ko like sina Angelica (Panganiban), Angel (Locsin), Anne (Curtis), tapos akala ko hindi na mangyayari.

“Pangarap ko talaga siyang makatrabaho until ito na nga. Siguro ngayon ang perfect time at ito ang perfect project.

“Pangarap ko talaga siyang makatrabaho,” paulit-ulit na sabi ni Bea.

Sinabi pa ng magaling na aktres na sobra siyang kinabahan sa mga unang eksena nila ng aktor.

“Sinabi ko kay Aga na sobra akong kinabahan. Iyon ‘yung first ever scene na ginawa namin. Sinabi niya sa akin na ‘wag akong mag-alala kinakabahan din siya.

“Minsan kasi kapag malaking aktor na o star ang kasama mo hindi mo normal na maririnig ‘yun, normally may ego ‘di ba? That made me comfortable. Na parang pareho kami. We’re equal.”  

Kuwento pa ni Bea, may moment na nawawala siya sa sarili o kumakawala sa karakter ni Ali.”Iniisip ko na si Aga Muhlach ang kaeksena ko, nagpi-freak out ako. Hindi ko alam kung maiintindihan ito ng marami, pero big deal siya para sa akin. Until sinabi nga ni Aga na ‘relax, ako rin kinakabahan ako.’ And from then, nag-relax na ako. At ie-enjoy ko (paggawa ng pelikula),”sambit pa ni Bea.

Ani Bea, kailangan i-enjoy niya ang pagsasama nila ng aktor dahil baka ito nang First Love ang huli nilang pagsasama at hindi na mauulit pa.

Giit pa ng aktres, ite-treasure niya ang pagsasama nila ni Aga.

Tampok sa First Love ang kakaibang Aga at Bea na magtatambal sa kauna-unahang pagkakataon. Kasama nila sa pelikula sina Edward Barber, Albie Casino, at Sany Andolong.

Mapapanood ang First Love sa Oktubre 17.

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Lala Sotto MTRCB

Sa pamumuno ni Chair Lala Sotto, MTRCB nakapagribyu ng 172,000 na materyal noong 2025; isinumiteng mga pelikula umangat sa 13.34%

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAKAPAG-REVIEW ang Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB), …

Beauty Gonzalez

Beauty certified yoga instructor na

I-FLEXni Jun Nardo MATAPANG, bumiyahe mag-isa si Beauty Gonzales, huh! Ginawa niya ‘yan nang pumunta siya …

Robi Domingo John Lloyd Cruz

John Lloyd at Robi muntik daw magsuntukan sa kasal nina Zanjoe at Ria

MA at PAni Rommel Placente HOW true na muntik na raw magsuntukan sina Robi Domingo at John Lloyd …

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …